Guro ng Tanay National High School, yari ka!

“BAWAT kasamaan ay may hangganan, bawat kasalanan ay may kaparusahan at bawat kalokohan ay may katapat na patibong ng BITAG.”

Eto ang maipapayo ng BITAG para sa nagtatagong   guro ng Tanay National High School na si Ernesto Berna-beo III.

Ito’y matapos siyang hantingin ng BITAG nang luma- pit sa aming tanggapan ang kanyang biktima na naging estudyante niya sa high school.

Para sa kaalaman ng lahat, nakialam na ang Department of Education, partikular ang tanggapan ni Under­secretary Franklin Sunga sa kasong ito.

Ito yung pinamagatan naming Tanay Scandal kung saan matapos magkaroon ng lihim na relasyon si Berna-beo sa kanyang estudyanteng menor de edad at high school pa lamang, ipinost pa nito sa friendster ang mga larawan ng biktima.

Hindi lamang basta larawan dahil mga hubad at mala­laswang larawan ng kanilang pagtatalik ang kanyang ibinuyangyang sa nasabing website.

Ayon sa biktima, ito raw ang ganti sa kanya ng nabang-git na guro matapos niyang makipaghiwalay dito at maipakulong ito sa salang rape at abuse of women.

Pinangunahan ni Usec. Sunga ang pagsasampa ng kaso laban sa suspek dahil ayon sa batas ng DepEd, ipinagbabawal ang magkaroon ng relasyong seksuwal ang guro sa kanyang estudyante.

Mas mabigat ang parusa kung menor-de-edad ang estudyante kung saan papasok ito sa kasong criminal na child abuse.

Sa kasong ito, hindi lamang kasong administratibo ang naghihintay kay Bernabeo, maging kasong kriminal kung saan si Mel at ang DepEd ang tatayong mga complainant. Nakaabot sa BITAG na sa kasalukuyan daw ay hindi na nagrereport sa pagtuturo sa Tanay National High School ang manyak na guro.

Subalit babala ni Usec. Sunga, kapag hindi pa nagreport sa loob ng 30 araw si Bernabeo sa kanyang paaralan, madadagdagan pa ang problema ng suspek.

O ano ngayon Bernabeo, sinabi naman sa’yo ng BITAG na puwede kang tumakbo pero hindi ka puwe­deng magtago sa BITAG dahil kasado na ang patibong para sa’yo. At sa tulong ng aksiyong gagawin ng DepEd, tapos ang maliligayang araw ng pagtatago mo!

Gayundin ang prinsipal at pamunuan ng Tanay National High School na walang ginawa sa kasong ito kundi ang magpanggap na pipi at bingi, yari kayo!

Show comments