“PUWEDE kang tumakbo pero hindi mo puwedeng pagtaguan ang BITAG”, mensahe ito ng BITAG para sa nagtatago ng guro na si G. Ernesto Bernabeo.
Si Bernabeo ‘yung nasa likod ng mapanira at kontrobersiyal na malalaswang litrato na ipinaskil niya sa friendster.
Hangga’t hindi siya nagpapakita sa amin at hindi nakakapagpaliwanag ng kanyang katarantaduhan, hindi namin bibitawan ang kasong ito.
Hindi lamang ito usaping legal kung saan simpleng puwede lamang siya sampahan ng kaso, ang pangunahing usapin dito ay ang moralidad na kanyang binaboy.
Moralidad ng eskuwelahang kanyang pinagtuturuan na dati ring pinapasukan ng kanyang estudyanteng biniktima.
Disi-sais anyos pa lamang noon ang biktimang itinago ng BITAG sa pangalang “Mel” nang magkaroon sila ng relasyon ng kanyang gurong si Bernabeo.
Nang magtagal ay nauwi na sa sakitang pisikal ang kanilang relasyon kung saan binubugbog na umano ni Bernabeo si Mel.
At nitong huli, sa kanilang hiwalayan, lumabas ang malalaswang hubad na litrato ni Mel at kanilang pagtatalik.
Labis ang hinagpis ng ina at mga kapatid ni Mel dahil huli na nang malaman nitong ang kanyang anak ay inaswang na ng kanyang guro sa loob mismo ng paaralan.
At ang masaklap, kung kailan kumalat na ang mga mapanirang litrato sa friendster, naging usap-usapan ng mga kalala kihan at kababaihan sa kanilang baryo sa Tanay, saka lamang nakarating sa kanya ang problema.
Samantalang ang Tanay National High School, patay-malisya sa nang yari, wala raw sila alam. Nakakatawa ang kanilang mga ekspresyon ng ipa kita ng BITAG ang mga larawan na nakapaskil pa rin sa friendster.
Kandaluwaan ang mata ng principal, presidente at mga opisyales ng pa aralan. Kawawang mga opisyales, naiputan sila sa ulo ni Bernabeo ng hindi nila nalalaman.
Kaya’t ang siste, sa kanila bagsak ang sisi, sila ngayon ang humaha rap sa kahihiyang ginawa ng kanilang guro na nakakagulat na nagtuturo pa ng mga panahong dumating ang BITAG (naglahong parang bula ang kolokoy ng maamoy ang balitang dumating kami sa Tanay Rizal).
Alam na ng BITAG kung saan matatagpuan ang kolokoy na gurong si Bernabeo. Tumakbo man siya, magtago man siya, hinding-hindi niya matatakasan ang katarungang tatak BITAG para sa biktima!