Masaya't kumpleto ang 2008 sa aming pamilya

TUNAY na napakasaya at kumpleto ang nagdaang 2008 para sa aming pamilya.

Pangunahing “blessing” ng taon na ito sa amin ay ang ginawang pagsisisi at paghingi ng patawad ni da-ting President Cory Aquino sa paglahok nito sa tina­guriang EDSA Dos laban kay Presidente Erap.

Sabi nga ni Presidente Erap, yun ang “best Christmas gift” na kanyang natanggap, at natutuwa siya na kara­ mihan sa mga kumalaban sa kanya noon ay nagsisisi na ngayon dahil napagtanto nilang mali ang kanilang ginawa.

Nagkaroon din ng napakagandang selebrasyon sa aming tahanan sa Polk Street sa San Juan city, kung saan ay naroon ang aming buong pamilya sa pangu­ nguna ng aming panganay na anak na si Jinggoy Ejer-cito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor,   Employment and Human Resources Development, at    ng Joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment.

Kasalo rin namin ang aming malalapit na mga kaibi-gan at supporter.

Nakisaya at umawit din para sa amin si Charlie Green, ang 11 taong gulang na “Filipino-British singing sensation” na naging finalist sa talent show na “Britain’s Got Talent” sa United Kingdom. Kasama ni Charlie sa okasyon ang kanyang kapatid na si Richard at ang kanilang buti-hing mga magulang na sina Roger (isa ring singer sa UK) at Cecile (isang Cebuana).

Napakahusay umawit at mag-perform ni Charlie.     Tiyak na malayo ang mararating ng batang ito, at tiyak   na marami pa siyang tagumpay na aanihin.

Naku! Tuwang-tuwa ang lahat nang nag-duet sina Charlie at Presidente Erap sa kantang “Dahil Sa Iyo.”

At alam n’yo ba? Gagawa raw si Charlie ng recording ng awiting komposisyon       ni Presidente Erap: Ang “Kahit Na Magtiis,” at ito ay ia-arrange ng award winning musical director na si Tony Cortez.

Talagang napakaganda ng 2008 para sa amin. At siyempre, ang lahat ng ito ay lubos naming ipinagpa­pasalamat unang-una sa ating Panginoon, at ikalawa ay sa mga tao na may ma­bubuting puso na patuloy   na sumusuporta at nag­mamahal sa amin.

Maka­aasa kayo na pa­tuloy ka­ming maglilingkod sa inyo.

Show comments