Gutom pinalalala ng katiwalian

ISA sa bawat apat na pamilyang Pilipino na ang nagu­gu-tom, sa huling survey ng Social Weather Stations. Na­pa­karami nila: 4.3 milyon pamilya, o 21.5 milyong indi­bidwal.

Mas malala ito kaysa average na 12.6% na nagugutom na pamilya nitong nakaraang 10 taon.

Kung tutuusin nga, apat na magkakasunod na taon nang double digit ang porsiyento ng mga nagugutom. Ang huling natalang 23.7% na nagugutom ay mas malala kaysa 21.5% nu’ng Sept. 2007.

Kasabay ng lumalalang kahirapan ang lumalala ring katiwalian. Tinuturing ng mga Pilipino na pinaka-madu­ming administrasyon ang kay Gloria Arroyo. Dinaig ang pangungulimbat na ikinabagsak at sentensiya ni Joseph Estrada. Mula sa sentral hanggang lokal na sangay, sa ehekutibo, lehislatura at hudikatura, talamak na ang naka­ wan, kotongan, overpricing. Wala nang natitira para sa kapakanan ng madla. Kaya nagugutom ang mga pamilya.

Nito lang 2008 kay daming hindi nalutas na katiwalian: NBN-ZTE, Diwalwal-ZTE, Northrail, fertilizer scam, at swine scam dahil pinagtakpan ng Malacañang at Kon­greso. Isama pa ang PNP euro generals junket.

Marami kasing-duming naganap sa lower at local units:

• nilutong biddings sa Albay Electric Cooperative;

• pang-aabuso ng isang trade undersecretary;

• pagpatay sa agriculture department employee Teofilo Mojica at asawa at dalawang anak na babae;

• hindi pagbayad ng mga obligasyon ng mga ne-    gos­yanteng malalapit sa Malacañang;

• pagraraket sa gasolina sa AFP, PNP, at pati sa Presidential Security Group

Ilan lang ito sa mga nakalusot dahil lulong na lahat     sa dumi.

* * *

Lumiham sa jariusbondoc@workmail.com

Show comments