KAUNA-UNAHAN sa larangan ng investigative journa-lism sa telebisyon, BITAG lamang ang tumutok sa mga kasong cyber crime.
Ito ‘yung mga natutukan nating Internet Blackmail, cyber sex, online sex chat, at web escort service.
Kabilang na rin dito ‘yung pagdodokumento at pag-papakalat ng mga sex videos at malalaswang gawain gamit ang cellphone camera na tinatawag ngayong CYBER BOSO.
Ang katotohanan ay wala pang batas na tutuldok sa mga krimeng ito gamit ang internet at bagamat parang nakatali ang kamay ng BITAG dahil sa kawalan ng batas, hindi ito naging hadlang para mabigyang hus-tisya ang mga biktima.
Tatak at estilong BITAG ang ginagamit namin sa mga kasong ganito na pinangungunahan ng pag-hunting namin sa mga suspek at kukumprontahin namin sa harap ng aming mga camera.
Sa paraang ganito man lamang ay mabigyan ng katarungan at matuldukan ng mga nasa likod ng cyber crimes ang kanilang iligal na gawain.
At sa usaping ito na matagal nang estilo ng aming grupo umeentra naman ang human rights sa kanilang sinasabing “karapatan umano ng mga suspek”.
Subalit hindi ito magiging hadlang sa kung anuman ang gawin ng BITAG, bahala silang magpukol ng kung anumang isyu sa trabaho naming ito.
Mayroong krusada ang BITAG na makatulong sa mamamayan anumang paraan, anumang dahilan, sino man ang masagasaan, WALA KAMING PAKIALAM.
Iba ang aming pamantayan, kapag kami ang nilapitan at pinagtiwalaan, gumagawa kami ng kakaibang paraan makatugon at makatulong lamang.
Hangad ng BITAG na sa taong 2009, maisa- batas na ang Cyber Boso Bill na ipinapasa ni Buhay party List representative Irwin Tieng, nang sa ga noon tuluyang managot ang mga nasa likod ng kasong napapaloob sa cyber crimes.
Hangga’t wala ito, magpapatuloy ang tatak BI-TAG, estilong BITAG at pamatayang BITAG!