^

PSN Opinyon

Prostate cancer

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

KARANIWANG apektado ng prostate cancer ang mga kalalakihang 50 years old and above. Ang prostate gland ay matatagpuan sa dakong ibaba ng urinary bladder.

Ano ang dahilan at nagkakaroon ng prostate cancer?

Walang eksaktong nakaaalam kung ano ang dahilan ng prostate cancer. Karaniwang nagkakaroon ng pros­tate cancer ang mga kalalakihang iba’t ibang babae ang nakatalik. Maaari ring magkaroon ng prostate cancer ang lalaking nagkaroon ng sexually transmitted diseases. Naiuugnay din ang pagkakaroon ng prostate cancer kung ang lalaki ay mga mamantika o karne ang kinakain. Nasa panganib din ng prostate cancer ang mga kalalakihang nakalantad sa cadmium.

Ano ang sintomas ng prostate cancer?

Walang sintomas na nakikita kung ang cancer ay nasa early stage pa lamang. Ang cancer ay nadidiskubre nang hindi sinasadya kapag mayroong inaalam na hindi magandang nararamdaman sa katawan.

Para malaman kung may prostate cancer, magsasa­gawa ang doktor ng digital rectal exam sa pamamagitan ng pagpapasok ng daliri sa ilalim ng rectum para madama ang gland.

Ang iba pang examination na isinasagawa ay ang    diagnostic ultrasound, computerized Tomography scans, Magnetic Resonance imaging at nuclear medicine     bone scan.

Paano ginagamot ang prostate cancer?

Depende ang paggamot sa stage ng cancer at kung gaano na ito nakakalat. Maaaring alisin ang bayag (castration), bigyan ng female hormones, anti-hormones o isailalim sa chemothera-phy.

May complications pag­katapos gamutin ang prostate cancer at ito ay ang sumusunod:

Hindi makaihi o hindi agad makontrol ang pag- ihi; maging impotent, rectal symptoms at ang pagka-sira ng sperm cells.

Ang prostate cancer ay maaaring magamot kung made-detect nang maaga at maisasailalim sa pag­gamot. Huwag mag-atu­biling magpatingin sa doktor kung mayroong hinala na merong prostate cancer.

ANO

CANCER

HUWAG

KARANIWANG

KUNG

MAAARI

MAGNETIC RESONANCE

PROSTATE

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with