TANGKILIKIN, suportahan at i-enjoy natin ang peliku- lang Pilipino.
Ito ang panawagan at paanyaya ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, na chairman din ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, at ng Joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment.
Ang industriya ng pelikulang Pilipino ang nagbibigay sa atin ng mga de-kalidad na pelikulang nakaaaliw, makabuluhan at sumasalamin sa ating buhay at lipunan, at isa rin sa pangunahing nagtataguyod ng trabaho ng ating mga kababayan at ekonomiya.
Ito rin ang mensahe ng 34th Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon, kung saan ay napakaga- ganda ng mga kalahok na pelikula.
Si Jinggoy, na isang napakasipag na mambabatas at isa ring batikang aktor, ay bida sa pelikulang “Magkaibigan” kasama ang kapwa mga premyadong artistang sina Christopher de Leon, Dawn Zulueta at Maricel Laxa, sa direksyon ni Jose Javier Reyes sa ilalim ng Millenium Films.
Ang “Magkaibigan,” na itinuturing na “tribute” sa pumanaw na matalik na kaibigan ni Jinggoy na si Rudy Fernandez, ay naglalarawan ng mga karanasan at pagmamahalan ng tunay na magkakaibigan. Ginawaran ito ng Cinema Evaluation Board ng pinakamataas na gradong “A” dahil sa “excellence in filmmaking.”
Ang MMFF ay nagsimula nitong Disyembre 25, 2008, magkakaroon ng “Awards Night” ngayong Disyembre 27, at magtatapos sa Enero 7, 2009.
Si Jinggoy ay lubos na nagpapasalamat sa mga nanood, nakisaya at sumuporta sa kanilang “Parade of Stars” na ginanap sa pangunguna ni veteran actress Boots Anson-Roa, na nagsisilbing MMFF executive committee member.
Nakatutuwa ang ibinahaging alaala ni Boots tungkol sa kauna-unahang MMFF Parade of Stars kung saan ay kalahok ang pelikulang “Ang Agila at ang Araw” na pinagtampukan nila ni Presidente Joseph Estrada at Fernando Poe Jr. Sabi ni Boots, ang parada noon ay sinabayan din ng ulan tulad ng naging parada ngayon. Pero siyempre, tuloy ang parada at tuloy din ang saya.
Halina’t panoorin ang “Magkaibigan,” gayundin ang iba pang kalahok sa MMFF, at ang lahat ng mga pelikulang Pilipino.