Ang Tagumpay ng Isang Simpleng Juan dela Cruz

NAGPALAKAS este mali lakas-loob pala na inihain ni Jesus Vicente, isang simpleng Juan dela Cruz sa Philippines my Philippines ang Petition for Quo Warranto versus sa Aktor-Pulitikong si Dan Fernandez na nagdulot sa pagkakatalsik ng huli sa kaniyang puesto, matapos mapatunayan ng House of Representatives Electoral Tribunal o hirit este HRET pala ang pagkabigo nitong sumunod sa kinaka­ilangang Residency Status.

Sabi nga, nasa Constitution ng Republic of the Philippines!

Marahil ngayon ay tinatanong n’yo ang inyong mga sarili kung sino nga ba itong si Jesus Vicente. Isa ba siyang enemy sa politics? Hindi! Isang ma-impluwensiyang businessman? Hindi rin! O hindi kaya’y dating nakairingang artista? Lalong dehins!

Ang sagot ay ito-si Vicente ay isang simple tired este mali retired pala employee ng Manila Electric Company, residing sa 1st District ng Laguna. Maniwala man kayo at sa hindi, isa siyang simpleng Juan dela Cruz lamang na kagaya nating lahat.

Sa kuento sa mga kuwago ng ORA MISMO, minsan ng sinabi ng mga fans este mali mga kaibigan at kakilala ni Vicente na ‘Wag niyang ituloy ang kanyang reklamo dahil alaws itong patutunguhan’.

Pero imbes na mag-reverse este umatras pala ang ating bida ay lalong ginusto niyang patunayan sa kanila na hindi mabaho este mali bulok pala ang system of justice sa Philippines my Philippines.

Sabi ni Vicente, “wala nang mas maganda pang halimbawa na dinidinig ang boses ng mga simpleng Juan dela Cruz na kaparis niya kundi ang paglabas ng katotohanan.”

Sa opisyal na botong 7-2 na kinabibilangan nina Supreme Court Justice Consuelo Ynares-Santiago, Supreme Court Justice Conchita Carpio-Morales, Representative Mauricio Domogan, Representative Fredenil Castro, Representative Roberto Cajes, Representative Solomon Chungalao and Representative Florencio Miraflores napatunayan ng HRET ang pagsisinungaling ni Fernandez sa address ng tunay niyang tahanan, na isa sa mga requirements na nakasaad sa Philippine Constitution upang maging lehitimong kandidato nang tumakbo ito laban kay Atty. NR Joaquin noong 2007.

Sabi ni Atty. Noel Tiampong “The speedy resolution of the case is a testament to the virtue of the Philippine Justice system in upholding the Rule of Law.”

Si Atty. Tiampong, ang nakatalisod sa impormasyong hindi sa tinutukoy na address nakatira si Fernandez, na siya naman niyang napatunayan nang i-serve nito ang Petition for Disqualification sa nasabing address noong 2007.

Ayon sa batas, “The Constitution is the fundamental law of the land. The one-year residency requirement mandated by it must be faithfully obeyed.

Sabi nga, NO ONES IS ABOVE THE LAW! 

Ang pangyayaring ito ay hindi tungkol sa pulitika, sa pagsasalpukan ng kaliwa laban sa kanan, o sa isang artista, kung hindi sa tagumpay ng simpleng Juan dela Cruz na katulad ni Mang Jesus, na naglakas loob sumuong sa mala-David and Goliath na laban na ang tanging sandata ay ang katotohanan.

Happy Birthday, PNP Chief!

UMAATIKABONG tsibugan today sa Camp Crame kasi nga 54th birthday ni PNP Chief Jesus Ame Verzosa, ang father ng kapulisan.

Tiyak sangkaterba ang sipsip este mali bisita pala all over the Philippines ang dadalo dahil ito ang first birthday celebration ni Jess sa loob ng White House.

Birthday din pala nina Bettinna Pineda Carlos, our columnist sa kapatid na dyaryo ng Pilipino Star Ngayon ang PM, Rene Sta. Cruz, ng DZBB at sa lahat ng may kaarawan ngayon ay binabati ng mga kuwago ng ORA MISMO.

Siempre hindi natin puedeng kalimutan si Jesus Christ, birthday nito kaya isang dasal ang iaalay natin para sa kanya para ang madlang people sa Philippines my Philippines ay guminhawa at maligtas sa anuman uri ng disgrasiya.

Show comments