DMCI, hindi natatakot ang BITAG!
DALAWANG linggo ang lumipas matapos naming maipalabas sa BITAG sa IBC 13 at sa BITAG Live UNTV ang segment tungkol sa pinatag na bundok sa Zambales, nagpadala ng demand letter ang kumpanyang DMCI.
Nitong Lunes ng hapon, dumating sa aming tangga-pan ang nagpakilalang janitor-messenger raw ng kumpanyang DMCI Mining Corporation.
Dala niya ang isang sulat na pirmado ng isang Atty. Francis Allan A. Rubio bilang legal counsel at ng isang Cesar Simbulan Jr., presidente umano ng kumpanya.
Matatandaan na ang DMCI ay ang kumpanyang inirereklamo ng mga residente ng Brgy. Bolitok, Sta. Cruz, Zambales na lumapastangan at walang pakundangang pumatag sa kanilang bundok.
Tatlong pahina ang liham ng DMCI para sa BITAG at nakalagay sa kanilang sulat na wala raw umano katotohanan at basehan ang imbestigasyon ng BITAG na aming ipinalabas.
Narito ang ilan sa mga bahagi ng liham ng DMCI para sa BITAG…
DMCI never engaged in wanton destruction of the environment as you slantly portrayed in your T.V. program. In fact, even the bulldozer that was shown in your program doing earth moving works does not belong to DMCI.
Hindi bulldozer ang pinag-uusapan rito, ang importante sa reklamong ito ay kayo sa DMCI ang pumatag sa bundok na ito base sa mga dokumento at larawang ibinigay sa amin ng mga nagrereklamong residente.
Your allegation that DMCI security personnel fired at the people of Bolitok is farthest from the truth.
May blotter sa pulisya ng Sta. Cruz, Zambales at dokumentado ng aming camera ang reklamong ito na sumbong mismo ng mga residente ng Brgy. Bolitok.
Hindi niyo pa nasasagot ang isa pang isyu sa bagay na ito na kung bakit SCAA o mga CAFGU ang ginagamit ninyong security personnel.
Ipinagbabawal ito ng ating batas dahil blue guards lamang ang dapat na gamitin sa isang private property.
You also claimed that DMCI was granted an ECC without going through the process of consultation ang approval at the barangay level.
Hindi kami ang nag-sasalita nito, mga residenteng nagrereklamo at Kapitan ng Baranggay ang nanggagalaiti sa galit dahil hindi umabot sa kanilang kaalaman na papatagin ang bundok na kanilang panaggalang sa bagyo at hangin.
In view of the foregoing, we DEMAND that you and your networks immediately cease and desist from further airing in any of your TV programs, any libelous matter against DMCI. Otherwise, we will have no other recourse but to employ all available resources at our disposal to legally protect the reputation that DMCI…
WALA AKONG PAKIALAM! At wala kayong karapatang pagbawalan ang BITAG na gampanan ang aming trabahong maglantad ng katotohanan.
Hinahamon ko kayo lalo na si Atty. Francis Allan A. Rubio, maaari kang umupo sa hot seat ng aking programang BITAG Live at makipagbalitaktakan ka sa akin sa iyong mga sinasabi.
- Latest
- Trending