^

PSN Opinyon

MPD Station 1 Supt. Rollie Miranda

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

GRABE ang illegal vices dyan sa jurisdiction ni Miranda nagkalat ang bookies at video karera kaya ang peace and order todits ay malala dahil walang inaatupag ang mga lespiak niya kundi ang pumatong sa mga iligal.

NCRPO Director General Pol Bataoil, Sir, take note!

Hindi biro ang sugalan dyan sa Gagalangin, Tondo dahil ang mga burungoy kawatan dito mismo ang mga nag­ papa­sugal kaya ang mga kaguluhan nangyayari dito ay bina­balewala ng mga kamote baka kasi madugasan sila sa kanilang mga inilatag na makina.

Nagsumbong ang mga kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO, na muntik ng saksakin ang mga anak na bata ng mga ito buti na lamang at hindi nakapasok sa loob ng bahay ang mga kupal na siga-siga dyan.

Imbes na damputin ng mga lespiak na nakatalaga dyan sa Barangay 182 Zone 16, Gagalangin Tondo at dalhin sa barangay ang mga kupal na siga-siga dyan ay alaws silang ginawa.

Paano madadala sa barangay ang mga siga-siga nata­takot ang mga nagrereklamo na baka banatan sila ng mga gago.

Ang mga barangay naman imbes na gumawa ng im­bes­tigasyon ay kinampihan pa ang mga siga sa kanilang lugar.

Ano ang masasabi mo dito Barangay Capt. Danny?

Hindi sinasabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, na magulo pa up to now ang Tondo hindi na ito kinatatakutan lugar ngayon hindi katulad noon araw ng nagkalat ang mga maton todits.

Ang problema ngayon sa Tondo lalo na dyan sa Gagalangin ay nagkalat ang mga video karera at karera bookies na binibigyan ng proteksyon ng mga tekamots dyan.

HIndi kasi puedeng maglagay ng illegal sa isang lugar na hindi alam ng barangay at ng pulisya na nakakasakop ng place.

Sa Road 4 at sa may Pag-asa katabi ng Barangay ay matindi ang karera bookies nina Bong at William. 

Bakit hindi ito nahuhuli ng mga bataan ni Miranda at Capt. Danny? General Bataoil pakitingnan nga kung ano ang magagawa ng higher headquarters tungkol dito.

Kilala ng mga kuwago ng ORA MISMO, si General Bataoil dahil hindi niya kukunsintihin ang ganitong kalokohan na mismong mga burungoy kawatan ang nakapatong.

Abangan.

Nagtaray si Senator Mar Roxas

SANGKATUTAK na madlang pinoy ang napanganga sa ginawang pagmumura ni Mar sa anti-Chacha rally the other week day sa Temakats.

Isang malutong na ‘putang ina’ ang mura ni Mar kaya naman natulala ang mga nakikinig sa kanya ng mga oras na iyon.

Mataas ang pinag-aralan ni Mar at tinitiyak ng mga ku­wago ng ORA MISMO, na alam niya marahil na sang­kater­bang bata, students, mga kaparian echetera ang mga naka­rinig sa mga sinabi niya habang siya ay nasa entablado.

Sabi nga, nakaka-turn off.

Maraming paraan o salitang pupuedeng ma-use para magpahiwatig ng disgusto o bumatikos sa isang isyu at maaring mas magiging mabigat pa ang dating kaysa sa paggamit ng salitang ‘putang ina’.

Imbes tuloy na dumami ang tanga este mali tagahanga pala ni Mar ay nakakadismaya at nabastusan sa kanyang sinabi.

Ang pagmumura kasi ay kalimitan naririnig sa mga away kalye, hindi sa isang disenteng pagtitipon tulad ng kanilang nilahukan dahil mabigat ang pinag-uusapan isyu ang Charter Change.

Kung ginawa ito ni Mar para maging madrama ang kan­yang pag-akyat sa entablado, wrong move ito dahil imbes na ‘pogi points’ ang kanyang makuha ay mukhang napa­sama pa ata.

Si Mar, kasi ay tatakbo rin yatang panggulo este mali pangulo pala sa 2010 sa Philippines my Philippines kaya kailangan nga naman mapansin siya ng madlang people?

BARANGAY

BARANGAY CAPT

CHARTER CHANGE

DIRECTOR GENERAL POL BATAOIL

DYAN

GAGALANGIN

GENERAL BATAOIL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with