Summit on recession inaprubahan ng DOLE

SINANG-AYUNAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang panawagan ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Es­trada para maglunsad ng emergency summit tungkol sa malawakang tanggalan ng OFWs dahil sa global recession.

Ayon kay Ms. Joji Aragon, chief of staff ni DOLE Secretary Nitoy Roque, alinsunod sa panawagan ni Jinggoy, pangungunahan nila ang paglulunsad ng pagpupulong na tatawaging summit on recession. Itinakda ang summit sa Enero 22, 2009. 

Masyado na kasing nakaaalarma ang sitwasyon kung saan libong OFWs na ang nawalan ng trabaho dahil sa krisis.

Pinangangambahan nga na lalo nating ­mara­­ramdaman ang hagupit ng krisis kapag tumama ito sa buong Asya kabilang ang Pili­pinas sa first quarter ng 2009. Hindi lang ang OFWs ang nanganganib na ma­apektuhan nang todo rito, kundi pati mga negosyo’t manga­ngalakal kasama ang mga mang­gagawang nasa bansa.

Dagdag ni Ms. Aragon, kapatid ni Chairman Pat Sto Tomas ng Development Bank of the Philippines (DBP), magpapadala na sila ng imbitasyon sa mga grupo at personalidad na padadaluhin sa summit.

Ang ilan sa mga ahensiyang nasa ilalim ng DOLE na makikiisa sa summit ay ang Philippine Overseas Welfare Administration (POEA), Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Nagpapasalamat si Jing­goy kay Roque sa pag-ayuda sa kanyang suhestiyon.

Si Jinggoy, chairman ng Se­nate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, at ng Joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, ay dadalo sa natu­rang summit bilang boses ng masa sa mga usapin tung­kol sa paggawa at pag­ ba­langkas ng mga kina­kaila­ngang lehis­lasyon.

Dapat ding makalahok sa summit ang mga negosyante, mga pribadong institusyon, non-government organizations, recruiters, mga mang­gagawa at iba pang grupo at personalidad para sama-samang bumalang­kas at mag­patupad ng solusyon sa napipintong problema.

Show comments