ANG cancer na ito ay karaniwang umaatake sa kababaihang nasa edad 50 hanggang 60.
Sintomas ng cancer sa uterus: Pagkakaroon ng abnormal na pagdurugo. Kahit na ang mga babaing tinigilan na ng regla o menopause na ay makararanas ng pagdurugo o di kaya ay ang watery o mocus discharge na may kasamang dugo. Ang abnormal na pagdurugo ay mararanasan kahit walang kaugnayan sa pagreregla. Ipinapayo sa mga nagkakaroon ng abnormal bleeding na magpakunsulta agad sa doktor.
Dahilan ng cancer sa uterus: Hindi malaman ang tunay na dahilan ng cancer na ito subalit malaki ang kaugnayan ng pagkakaroon ng diabetes, history ng breast cancer at ovarian cancer sa pamilya, pagkakaroon ng hypertension, at ang disorder ng hormonal inbalance. Ang pagkalat ng cancer ay magiging daan para mamatay ang pasyente.
Paano ginagamot ang cancer sa uterus? Ginagamot ang cancer sa pamamagitan ng pagtanggal sa bahay-bata o ang tinatawag na hysterectomy. Tinatanggal din ang obaryo at ang fallopian tubes. Ang pagsasailalim sa Radiotherapy ay isa rin sa kinakailangan. Maari ring isagawa ang treatment sa progesterone hormone.
Kapag ang cancer ay natuklasan nang maaga at mabigyan ng tamang treatment, nasa posibilidad ng paggaling ang karamihan ng pasyente.