^

PSN Opinyon

Katiwaliang RP lumigtas kay doc sa hablang US

SAPOL - Jarius Bondoc -

BINASURA kamakailan ng Sandiganbayan ang rob-bery case na isinampa ni Mark Jimenez laban kay dating Justice secretary Hernando Perez. Kesyo raw naapi ang karapatan ni Perez sa mabilisang paglilitis, dahil 2002 pa ‘yung habla pero nito lang 2008 isinam-pa ng Ombudsman sa korte.

Merong kahalintulad na ulat ang Associated Press, sangkot din ang Pilipinas, datelined Madison, Wisconsin, at pinamagatang “RP corruption saves doc from US raps”. Ito ang ulat.

“Nakaiwas sa prosekusyon ang 58-anyos na Pilipinong doktor sa kasong panggagantso ng $2 milyon sa health care program ng US military, dahil anang huwes ay niyu­rakan ang kanyang karapatan sa speedy trial.

“Pinasya ni US District Judge Barbara Crabb na nag­hintay nang apat na taon ang mga imbestigador bago arestuhin si Dr. Diogenes Dionisio matapos ihabla nu’ng 2004.

“Akusasyon ng prosecutors na nilinlang ni Dionisio, na may clinic sa Manila, ang Tricare program ng military nu’ng 1999-2000 nang magsumite ito ng padded claims at nakipaghatian ng sobrang bayad sa mga pasyente.

“Pero hindi hiningi ng prosecutors na agarang ares­tuhin at i-extradite si Dionisio. Katuwiran nila, talamak na tiwali ang gobyerno ng Pilipinas, kaya malamang ay hindi tutupad at papalpakin pa ang proseso.

“Sa halip, inaresto ng federal agents si Dionisio nito lang Marso 2008 nang lumapag ang sinasakyang ero­plano sa Guam, isang teritoryo ng US, kung saan mag­babakasyon ang doktor at pamilya.

“Ani Crabb, patuloy tumira at magtrabaho si Dionisio sa parehong address nu’ng 2004-2008, at hindi nagtang­kang umiwas sa aresto.

 “Dagdag ng huwes, kapos ang pruwebang nilahad ng prosecutors na mala­ mang na malu­long sa korap­siyon ang extradition request.

“Labing-pitong tao na ang nakukulong dahil sa raket, kasama ang 12    US military retirees.”

* * *

Lumiham sa [email protected]

ANI CRABB

ASSOCIATED PRESS

DIONISIO

DISTRICT JUDGE BARBARA CRABB

DR. DIOGENES DIONISIO

HERNANDO PEREZ

MARK JIMENEZ

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with