SI Mariano Z. Velarde a.k.a. “Brother Mike” ang pinuno ng El Shaddai Catholic Charismatic Community ay talagang napaka-joyful. Paano ba naman, ang lakas ng benta ng mga “Joyful” brand products na ibinebenta niya sa mga mahihirap na dumadalo sa mga prayer meetings niya.
Mayroon siyang binebentang “Joyful” bottled water, “Joyful” vinegar, “Joyful” oil, “Joyful” patis, “Joyful” soap, “Joyful” SIM card, “Joyful” cell phone load at “Joyful” handkerchief. Mayroon din siyang “Joyful” pharmacy at “Joyful” dental clinic.
Ang kanyang maybahay na si Avelina ay mayroon pang “Agua Avelina” at iba pang mga produkto. Pati na yung mga bangko, pina-paupahan niya ng anim na piso bawat isa. Ang mga stalls naman sa tabi-tabi ng mga prayer meeting ay pina-paupahan niya ng 1,000 pesos bawat isa.
Maliban pa sa pag-benta ng mga “Joyful” items, hinihingan pa niya ang libo-libong mahihirap na magbigay ng “love offering” na para kuno sa Panginoon. Binibigyan ng mga alipures niya ang libo-libong dumadalo ng mga blankong papel para sumulat daw sila kay Hesu Kristo at humiling ng milagro, tapos sinasabihan sila na mag-singit sa liham nila ng iba pang pera bilang “love offering” na naman kay Kristo.
Bawat gathering ni Brother Mike, milyun-milyong pera ang hinahataw niya sa mga mahihirap, at tax-free lahat ito. Milyun-milyon ang kanyang natatanggap, ngunit tingnan ninyo sa internet kung ano ano ang mga charities or kawanggawa niya. Zero po, as in itlog na bilog. Samakatuwid, si Mariano Z. Velarde lang ang joyful sa usaping ito.