(ikalawang bahagi)
NUNG MIYERKULES naisulat ko ang unang bahagi ng istorya ng Police Chief Inspector ng Labo, Camarines Norte na pinagbababaril.
September 22, 2008 ng pumunta sa aming tanggapan si Marissa M. Perez upang idulog ang pagkapatay sa kanyang nakatatandang kapatid na si Wilson M. Perez 34 taong gulang at Police Chief Inspector ng Labo, Camarines Norte.
July 31, 2008 bandang alas tres ng hapon nagkaroon ng operation sila Chief Perez kasama ang iba pang kapulisan upang mabawi ang mga manok na ninakaw sa Brgy. Mansalong.
Kinailangan nilang pumunta sa Dupax Brgy. 5, Daet Camarines Norte dahil napg-alaman nila na dun naibenta ang ibang manok.
Tumulak sila papunta sa area ngunit bago sila makarating huminto sila at kinausap ni P/Chief Insp. Perez si PO1 Reynaldo Bayal at sinabing mauna na sila sa area at may dadaanan lang siya sa King Fisher Restaurant. Inimbita siya umano ng isang nagngangalang Pedro Vela Cruz.
Alas nuwebe ng gabi kauuwi pa lamang ni PO1 Bayal sa kanyang bahay ay nakatanggap siya ng tawag mula kay PO3 Nestor Pajares, Jr. duty desk officer.
Mabilis naman itong nagpunta sa area upang i-verify ang report at inabutan umano nito na nakabulagta si Chief Perez, tadtad ng tama ng bala at naliligo sa sariling dugo.
Isa sa mga nakakita sa pangyayari ay si Arnulfo Quiros. Ayon sa kanya nakita niyang bumaba sa tricycle ang isang lalaki na nakilalang si P/Insp Ralph Jason Oida at lumakad papunta kay Chief Perez at dun ay pinagbababaril niya ito.
Pinilit hinila ni Pedro Velacruz si P/Insp. Oida upang maisakay sa tricycle ngunit agad na dumating ang mga pulis.
Hinuli si Velacruz at dinala sa presinto habang si Oida ay dinala sa ospital. Nakita na wala namang tama ito at lasing lamang kaya matapos mahimasmasan dinala na rin ito sa presinto.
Humarap sa isang “Inquest Proceedings” at Murder ang ikinaso kina P/Insp Ralph Jason Oida at Pedro Velacruz.
Pumirma ng Waiver 125 ang dalawa kung saan inilalagay nila ang kanilang sarili sa “jurisdiction” ng korte at isinantabi ang kanilang karapatan na dumaan sa isang regular na “Preliminary Investigation.”
Makalipas ang ilang araw nag-iba ang isip nitong dalawang akusado at hiniling na idaan sa isang regular na Preliminary Investigation ng prosecutor.
Ilang araw na rin ang lumipas at lampas na sa takdang sampung araw na pagsusumite ng Kontra-Salaysay upang pabulaan ang mga paratang ng mga testigo laban sa kanila.
August 12, 2008 naglabas ng resolution si 3rd Assistant Provincial Prosecutor Miriam O. Dipasupil-Gestiada ng Daet, Camarines Norte. Nakasaad dito ang mga sumusunod.
Considering the Manifestation filed by respondents Ralph Jason Oida and Pedro Velacruz through counsel, which is in effect a withdrawal of their previous waiver Article 125 and request for regular preliminary investigation as provided for under Section 10 of the New Rules on Inquest, thereby leaving all the allegations in the complaint un-controverted, we find prima facie evidence on the basis of the affidavits and documents adduced by the complainant that a crime of Murder has been committed and that respondent s Ralph Jason Oida and Pedro Velacruz are probably guilty thereof. Insofar as respondent Alex Bustamante is concerned, his ten (10) day period within which to file his counter-affidavit having lapsed without filing the same, it is so found that reasonable ground sufficient to engender a well-founded belief that the crime of Murder has been probably committed by him in conspiracy with Oida and Velacruz.
WHEREFORE, it is respectfully recommended that an information for MURDER, defined and penalized under Article 248 of the Revised Penal Code, be filed against all the respondents P/INSP RALPH JAYSON VELACRUZ OIDA, PEDRO SENTIN VELACRUZ, JR. and ALEX BARON BUSTAMANTE.
NO BAIL recommended
Ito’y kinatigan ni Provincial Prosecutor Oscar Villafuerte.
I-finorward ang resolusyon sa tanggapan ni Judge Arniel A. Dating ng Regional Trial Court, Branch 41 ng Daet, Camarines Norte.
Naglabas ng ORDER si Judge Dating kung saan ipinag-uutos na amiendahan ang demanda laban sa mga akusado sa loob ng 5 araw.
Naging matibay ang paninindigan ng prosecutor’s office at sa halip na mag-file ng “amended resolution” inapila nila ang order ni Judge Dating sa isang Motion for Reconsideration.
September 19, 2008 ng lumabas ang order muli galing kay Judge Arniel A. Dating
“Consequently, in view of the absence of probable cause for purposes of issuance of warrant of arrest for the crime of murder, the motion for reconsideration is hereby denied and the case for MURDER is hereby ordered DISMISSED without prejudice”.
Dahil sa order ni Judge Dating pinakawalan ang mga akusado. Ayon kay Marissa na una ng nakalaya si Velacruz at matapos ang isang linggo ay inilabas ang order at nakalabas na rin ng bilangguan si P/Insp Oida.
September 24, 2008 agad na pumunta si Marissa at ang kanyang tatay na si William Perez sa Daet upang maipagtanong kung bakit ganon ang naging order ni Judge Dating.
September 25, 2008 pumunta sila sa National Bureau of Investiagtion (NBI) ng Naga City upang makipag-coordinate kay Agent Marpuri. Gumawa sila ng request letter na pinirmahan ni Atty. Manuel A. Almendares-Naga City NBI Regional Director upang makakuha ng mga kopya ng mga court descisions.
September 26, 2008 ng makipagkita sila Marissa kay Atty. Jude A. Allaga ang kinuhang legal counsel ng mga kabatch ni Chief Perez sa Philippine National Police Academy-batch 1997 sa pangunguna ng kanilang presidente na si Major Allen Rae Co na sila rin ang nagbabayad.
Naka-usap nila si Prosecutor Fe Apuya upang tanungin ang status ng kaso ni Chief Perez at ipinaliwanag si Prosec. Apuya ang lahat kanila Marissa.
October 10, 2008 nagfile ng Petition for Review with Certiorari si Atty. Allaga laban kay Judge Dating sa Court of Appeals for Grave Abuse of Discretion.
Sa ngayon inaantabayan nila ang decision ng Appellate Court at ipinagdarasal nila na mabigyan ng hustisya ang pagpatay kay Wilson.
NAKALULUNGKOT isipin na ang mga taong may kinalaman sa pagkamatay ni Wilson ay napalaya ng ganun na lamang. Dapat nakakulong man lang sila habang nililitis ang kaso,” sabi ni Marissa.
BAKIT dinismiss ni Judge Dating ang kasong Murder. Bakit ayaw niyang mag-isyu ng Warrant of Arrest laban sa mga akusado kahit nakitaan na ng prosecutor at ng provincial prosecutor ng “probable cause?”
Ilalathala natin ang mga dahilan ni Judge Dating sa ngalan ng patas at balanseng pamamahayag sa LUNES sa pagpapatuloy ng seryeng ito. Eksklusibo dito lamang sa “CALVENTO FILES sa PSNGAYON.” (KINALAP NI JONA FONG)
Sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang aming landline ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.
Email: tocal13@yahoo.com