^

PSN Opinyon

Katiwalian grabe sa kanayunan

SAPOL - Jarius Bondoc -

MALIMIT banggitin sa balita na karamihan sa mga meyor ng iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Abra ay sa capital ng Bangued nakatira. Dalawa ang ibig sabihin nito. Una, malaki ang kinikita nila — ewan kung legal — kaya nakakabili ng lupa’t bahay sa mas mahal na pook. At, natatakot sila tumira sa sariling bayan dahil sa gulo, kaya napapabayaan din nila ang kapakanan ng mga mamamayan.

‘Yan ang kadalasang sisti sa kanayunan. Simple kung kumurakot ang mga lokal na opisyales. Konting komisyon sa paggawa ng kalsada, sa pagpirma ng business permit, o sa pagbili ng kagamitan. Hindi nahahalata ng mama­mayan. Pero kamala-mala mo, nangangalahati pa lang sa termino ay meron nang bagong resort o mamahaling SUV.

Sa isang bayan nga sa Zamboanga Sibugay, nagkut­sabahan na ang meyor at bise sa kurakutan. Nakapag­patayo na si meyor ng mansiyong pang-retiro sa capital ng Ipil, habang namimili si bise ng ekta-ektaryang lupa para taniman ng rubber trees.

Ganyan din ang meyor ng isang liblib na bayan sa Pampanga na nakabili ng maraming truck na panghakot mula kickbacks sa pagpapatayo ng bagong munisipyo. Katulad ang meyor sa kabundukan ng Cordilleras na nagpapakasasa sa illegal quarrying. At sa mayor sa Isabela na protektor ng illegal logging.

Isa sa pinaka-madaling pagkitaan ng lokal na opisyales ang bisyo. Awatin lang niya ang pulis sa pagtugis sa jueteng, prostitusyon o droga, kikita na siya ng limpak-limpak na protection money mula sa sindikato. Bukod sa nabanggit nang tong-pats sa kontrata o pagpirma, pumapasok din sila sa legal na negosyo sa pamamagitan ng espesyal na kaalaman o kaya pagsiko sa mga kakompetensiya. Ehemplo ang mga palayan na dinaanan ng bagong Clark-Subic Highway, na pi­nagbibili ng mga meyor mula sa mga magsa­saka at saka tumalikod at ibi­nenta sa gobyerno nang doble o triple.

Ehemplo   rin ang pag­kontrol ng meyor sa kon­trata ng mga kar­gador    sa pier o sa pag­hakot ng basura.

ABRA

AWATIN

BANGUED

BUKOD

CLARK-SUBIC HIGHWAY

EHEMPLO

MEYOR

SHY

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with