^

PSN Opinyon

Si Jocjoc at ang euro generals

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

DALAWANG explosibong isyu ang kasalukuyang ginigi- ling at hinihimay-himay ng mga senador kung saan na­katutok ang mga tenga ng sambayanan sa pakikinig.

Unang ginisa sa chamber si dating Agriculture under­secretary Jocelyn “Jocjoc” Bolante sa nalusaw na P728-millions liquid fertilizer sa mga kaalyado ni President Gloria Macapagal-Arroyo bago pa ang halalan noong 2004. Nahirapan ang lahat ng mga senador sa katata­ nong dahil magaling at scripted ang lahat ng isinasagot ni Bolante.

Maganda ang naging resulta para kay Bolante mata-pos na magtago ito ng mahigit tatlong taon sa US at nang dumating ay agad nag-check-in sa St. Lukes Medical Center, he-he-he! Kaya sariwang-sariwa ang utak ni Bo-lante upang sagutin ang lahat ng katanungan ng mga senador na nagbabaka-sakaling makakuha ng pogi points sa audience. Di ba mga suki?

At dahil nga sa nalusaw na ang milyun-milyong sa- lapi na para sana sa proyektong Masaganang Ani ni PGMA ay naglaho na rin ang pag-asa ng mga nagugutom na mama­mayan na maparusahan si Bolante at mga kapa­nalig ni President Arroyo. Get nyo mga suki?

Dinanas na kasi ng mga mahihirap na kababayan kung paano pumila sa outlets ng National Food Authority (NFA) para makabili nang murang bigas. At iyon din ang panahon na naitala sa kasaysayan ng bansa na lumobo sa pinaka-malaking bilang na pag-import ng bigas mula sa Vietnam, Thailand, US at kalapit na bansa. Di ba mga suki?

Kung napasakamay pala ng mga magsasaka ang abono ay di sana natin dinanas ang kakapusan ng bigas noong panahon na iyon. Marahil may kumita ring mga smuggler ng bigas no­ong tayo’y kinakapos ng stock sa mga bodega ng NFA.

Sa ngayon kahit na marahil madurog pa ang mga daliri ni Bolante sa kapupukpok at pag­kas­tigo ng mga sena-dor ay mapupunta la­mang ito sa kawalan at malilibing sa limot.

Dahil ayon sa aking mga kausap mahirap na maparusahan si Bolan-te kung ang mga naki­na­bang pala sa fertilizer fund ay mismong mga halal ng bayan. Kaya ang moro-morong Se-nate hearing on fertili-zers scam ay drawing na la­mang para lamang ma­ipakita sa publiko na pursigido ang mga se­nador. Paano nga na­man mapaparusahan si Bolante kung may ilang senador din pala ang nakatikim ng P5-milyon. Wala di ba mga suki? Kaya nga may ilan pa nga ang halos mapa­iyak at nanggalaiti sa galit nang masangkot umano ang kanyang malinis na pangalan.

At dahil sa napapa­nahon na upang maging guwapo sa mamama­yang naghihikahos ang ilang ambisyosong pu­litiko ay kuntodo porma at naggagalit-galitan pa nga ang ilang senador sa pagtatanong kay Bolante kung sinu-sino ang nasa likod ng pag-tu­naw sa liquid fertili- zer scam. Magandang isyu kasi ito at mahaba-habang panahon din ang magiging balitak­takan sa Senado na pag­titiyagaang subay­ba­yan ng nagugutom na mamamayan. Get n’yo mga suki?

At itong ikalawang isyu ay ang euro-Gene­ral scam na sa susunod ko na lang tata­la­kayin habang tinututu­kan ko pa ng punto por punto ang bakbakan sa Senado. Abangan!

BOLANTE

KAYA

MASAGANANG ANI

NATIONAL FOOD AUTHORITY

PRESIDENT ARROYO

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SENADO

SHY

ST. LUKES MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with