Pagkakaisa ng oposisyon

NOONG Linggo (Oktubre 26) ay unang anibersaryo ng paglaya ni Presidente Erap sa ginawang pagkulong sa kanya mula 2003 sa Tanay, Rizal dahil sa mga kasong wala namang katotohanan.

Para sa okasyong ito, nagdaos ng banal na misa sa aming bahay sa San Juan na pinangunahan ni Fr. Albert Venus, na dating nagsilbing chaplain sa Malacañang.

Makabuluhan at madamdamin ang nasabing okasyon kung saan ay kasama ang ilan sa aming mga taga­suporta.

Patuloy pa ring pinag-uusapan ang posibleng pagtakbo muli ni Presidente Erap sa pampanguluhang halalan sa 2010. Ito’y lalong nagiging mahalaga ngayon sa harap ng kaunting tensiyon na nagaganap sa pagitan ng ilang personalidad ng oposisyon, partikular sa mga kampo nina Senate President Manny Villar at Senator Ping Lacson.

Si Presidente Erap, ako at ang aming panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, na chairman ng Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, ay nanini­wa­lang dapat nang magkaisa ang oposisyon.

Dapat tayong matuto sa leksyon ng ating naging hindi magandang karana­san no­ong 2004 presidential election kung saan ay hindi nag­sanib-puwersa ang oposis­yon sa likod ng iisa lang sanang kandidato, sa ka­tauhan ni yumaong “Da King” Fernando Poe Jr.

Sa pamamagitan ng iisang kandidato sa 2010, mas mati­tiyak ng hanay ng oposisyon ang panalo sa 2010, at tiyak na maisu­sulong ang mga pro­grama at re­porma na matagal nang kailangan sa ating bansa upang umunlad ang buhay ng ating mga kaba­bayan.

Marami ang nananawa­gan para tumakbo muli si Presi­dente Erap sa 2010 at akuin muli ang responsi­bilidad na pamunuan ang ating bansa. Siya kasi ang itinu­turing na may kakaya­hang mapagkaisa ang opo­sisyon, pati ang nakararami sa ating mga kababayan, hindi lang sa halalan kundi sa pamamahala ng bansa.

Mula pa noon ay consistent ang resulta ng mga survey na nagpapakitang ma­yorya ng sambayanang Pili­pino ay iboboto si Pre­sidente Erap kapag nag­desisyon siyang kumandi­dato sa 2010 presidential election.

Show comments