^

PSN Opinyon

Ang dalagita sa bakod

SAPOL - Jarius Bondoc -

TOTOONG nangyari ito kay Herman Rosenblat, 75. Ma­laking bulas na edad-11 siya nu’ng Agosto 1942 sa Poland, kaya binulungan ng kuya niya na magpanggap na edad-16. Sumunod siya, at agad silang ihiniwalay ng       SS officers sa ina upang i-tren patungong slave camp    sa Germany. Ang ina nila’t ibang matatanda at mga bata ay agad na pinatay sa gas chamber.

Una silang dinala sa Buchenwald concentration    camp. Doon sila binigyan ng unipormeng guhitan at     identity numbers pamalit sa mga pangalan. Si Herman naging 94983. Kalaunan nilipat silang magkapatid sa Schlieben, gilid ng Berlin. Mas malupit ang Nazi guards doon; halos hindi sila pinapakain miski mabigat ang trabaho. Isang umaga naalimpungatan ang nanghihi- nang si Herman sa tila tinig ng ina na bumubulong, “Huwag kang mag-alala, padadal­han kita ng anghel.” Gumising siyang luhaan.

Naglalakad si Herman sa tabi ng barbed-wire fence sa may barracks nang mamataan niya ang dalagita sa labas. “May pagkain ka?” tanong niya nang German, pero tiningnan lang siya. “Pagkain kailangan ko,” inulit niya sa Polish. Marahang lumapit ang babae. Tiniyak na walang nagdaraang guwardiya, at naghagis ito ng mansanas papasok sa bakod. Umalis agad si Herman. Nagbilin ang babae na bumalik siya kinabukasan.

Sa mga sumunod na araw, kabuuang pitong buwan, bumalik-balik si Herman sa eksaktong lugar sa eksaktong oras. At naroon ang dalagitang may dalang prutas o tinapay. Wala silang kibuan. Hindi sila nagkakilala. Inisip lang ni Herman na anghel ang babae.

Di nagtagal, nilusob ng Allies ang Germany. Nakalaya sina Herman. Napadpad sa America; nagtayo ng negosyo. Minsan nung 1956 pilit siyang sinama ng kabarkada sa blind date. Si Roma na ipina­res sa kanya, napilitan lang din. Naghanap sila ng common interest, at pinag-usapan nila ang giyera. Sabi ni Herman, muntik siyang mamatay sa gutom sa slave camp. Sabi naman ng babae may patpating batang lalaking bilanggo na di­nadalhan niya ng pag­kain nu’ng kinupkop sila ng pari na German.

Napaluha si Herman at nagpakilala. Noon mis­mo, niyaya niya si Roma na magpakasal. “Hinding-hindi na kita hihiwa­la­yan.” Ginagawa ngayong pelikula sa Hollywood ang kanilang love story.

AGOSTO

BUCHENWALD

GINAGAWA

HERMAN

HERMAN ROSENBLAT

SABI

SHY

SI HERMAN

SI ROMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with