Mukhang proyekto'y mapupurdoy.
Zero fish cage, ito ang isa sa kampanya ni DENR Secretary Lito Atienza laban sa dumaraming fish cages sa Lawa ng Taal, Batangas.
Sa loob daw ng dalawang taon, kinakailangang wala ng anumang istruktura ng fish cage sa Taal Lake dahil ito ay isang protected area, taong 1996 pa.
Subalit marami ang kumukontra at umaapela sa proyektong ito ni DENR Secretary Atienza.
Nangunguna na rito ay ang mga lokal na pamahalaan na nakapalibot sa Taal Lake, isa na rito ang Talisay.
Bakit nga ba hindi, eh malaki ang pakinabang at kini-kita ng bawat barangay dito na inamin naman ng diretsahan ng mga ito sa harap mismo ng aming camera.
Isa na rito ang bayan ng Talisay, Batangas. Kaya naman ang mga investors, financiers o mga nagnenegosyo ng fish cages sa bayang ito, hindi nahihirapan, lalo na ang mga dayuhan.
Isa sa mga nabiyayaan ay ang Sahara Corporation kung saan 70% ng mga fish cage sa isang libong fish cages sa Brgy. Sampaloc,Talisay ay pag-aari nila.
Ayon nga kay Talisay Mayor Manimtim Jr., malaki ang NAIBABAYAD na buwis ng Sahara sa pagkuha pa lang ng permit nito.
Sa pag-aangkat ng pagkain ng mga isda o feeds may porsiyente na daw ang munisipyo at sa anihan naman ng mga isda, meron din sila dito.
Dagdag pa ni Mayor, kapag tinanggal daw ang mga fish cage sa Lawa, mawawalan na rin ng hanap-buhay ang kanyang mga nasasakupang residente.
Subalit marami ang hindi nakakaalam na ang Sahara Corporation ay komposisyon ng mga dayuhang Tsino.
Ginagamit ng mga Tsino ang pangalan ng Pilipi nong caretaker na residente ng Talisay upang makakuha ang mga ito ng permit sa Munisipyo.
Katwiran niya, kung ganito daw kalaki ang naitutulong ng mga dayuhang nagnenegosyo ng fish cage sa kanilang bayan ay makakagawa ba sila ng batas na magbabawal sa pagpasok, paggawa at pagnenegosyo sa Taal ng mga dayuhang Tsino?
Ibabalik naman ng BITAG ang tanong kay Secretary Atienza.. Ginoong sekretaryo, matupad kaya ang tinuran niyong zero fish cage sa taal sa sistemang ito?
Sa BITAG, alam namin na dapat masunod ang National Law kaysa sa ilalim nitong municipal, local, ordinance etc. (May karugtong)
- Latest
- Trending