^

PSN Opinyon

Paano ang karapatan ng mga biktima, Gen. Verzosa?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

UMALMA ang Movement for Restoration of Peace and Order (MRPO) na pinamumunuan ni Teresita Ang-See sa kautusan ni PNP chief Director General Jesus Verzosa na huwag iparada sa harap ng mga mama­mahayag ang mga suspek. Ayon kay Verzosa nararapat lamang na ikubli muna sa mamamahayag ang mukha ng mga suspek habang hindi pa napapatunayan sa kanilang mga kasalanan.

Bahag pala ang buntot ni Verzosa sa derektiba ng Commission on Human Rights (CHR) dahil wala siyang lakas na ipaglaban ang karapatan ng mga biktima. Di ba mga suki?

Habang itinatago n’yo ang mga mukha ng mga suspek ay nangangamba tuloy ang mga kaanak nila na sa mga darating na panahon ay makikita na lamang nila ang kanilang kaanak na pantay na ang mga paa. At habang nakatago ang mga ito ay namumuo sa isipan ng ilang inosenteng mamamayan na di maglalaon ay muling makakalabas ang mga ito at makapambibiktimang muli.

Di maiaalis sa isipan ng ilang kababayan na may mga padrino rin ang mga ito sa ilang mga tiwaling opisyal ng kapulisan. Kaya’t ang pangamba at pag-aalinlangan ay patuloy na sumisiksik sa kanilang isipan. Get n’yo Sir?

Kung sabagay mataas talaaga ang kumpetensiya ng mga mamamahayag sa ating lipunan sa kasalukuyan dahil kadalasan mga media people pa nga ang nagbu­bulgar sa mga kriminal. Di ba mga suki? Kadalasan nag-iiskupan ang bawat mamamahayag sa pag­kober ng isang insidente. Ika nga’y galit-galit muna ang bawat isa sa oras ng trabaho, walang kamag-anak at walang kaibigan sa coverage.

Ganyan kami sa aming propesyon bilang pagpa­pa­kita sa katapatan namin sa inyo mga suki at pinag­li­lingkurang kompanya. Subalit matapos ang co­verage balik na naman ang aming mabuting pagsasa­ma­han. Trabaho lang wa­lang personalan sa oras ng trabaho. Ganyan ang orga­nisasyon namin. Subalit buo ang aming pagsa­sama sa oras na maagrab­yado ang ilan naming ka­samahan at bukas-palad kami na tulungan ang mga ito. Get n’yo mga suki?

Katulad na lamang sa nangyaring pangha-harass sa isa naming kasa­mahan sa Baguio City na ikinulong ng humigit-ku­mulang 80 oras ng dahil lamang sa simpleng traffic accident. Lumalabas kasi na pinersonal ni Insp. Joseph Del Castillo, hepe ng Police Community Precinct 4 si Cesar Reyes matapos ipagkait nito ang karapa­tang pantao. Ayon kay Reyes naganap umano ang simpleng aksidente sa Session Road noong September 18 at agad sinam­pahan ng kaso.

Hindi man lamang siya binigyan nang pagkaka­taon na sumagot sa aku­sas­yon na isinampa sa kanya kung kaya nanatili siyang nakakulong sa selda hanggang Lunes. At nang dinggin ng piskalya lumalabas na kumpleto sa dokumento ang dalang baril ni Reyes. Ang naging asunto lamang na kaka­harapin ni Reyes ay ang simpleng pagtatalo sa banggaan, he-he-he! Sa pun­tong ito mga suki, ipinakita lamang ni Insp. Castillo na makapang­yarihan siya. Paano na lang kaya kung mang­mang si Reyes? Tiyak ma­bubulok siya sa kulungan. Di ba mga suki?

Sa ngayon ang president ng National Press Club (NPC) na si Benny Anti­porda ay nakatakdang pumunta sa Baguio upang magsagawa ng imbesti­gasyon sa naturang insi­dente. Maging ang Commission on Human Rights ay magsasagawa rin ng kaukulang imbestigasyon upang alamin kung nilabag ni Castillo ang karapatan ni Reyes. At oras na mapatu­nayan na binaraso nga ni Castillo si Reyes, tiyak na may kalalagyan din ito.

General Verzosa, paki­imbesitigahan si Castillo bago mo itago ang kan­yang mukha sa publiko! Abangan!

AYON

BAGUIO CITY

BENNY ANTI

CESAR REYES

DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

GANYAN

HUMAN RIGHTS

REYES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with