TUNGKOL ito sa isang parselang lupa na may sukat na 7,047,673 metro kuwadrado at tinatawag na Lote bilang 2472, Cad. 151 sa Cagayan. Noong Hunyo 2, 1930, sa petisyon ng mag-asawang Tonyo at Toyang, naglabas ang korte ng decree bilang 381928 na ipi nagkakaloob ang lupa sa mag-asawa. Kaya noong Hulyo 19, 1938, nilabas ang orihinal na titulo bilang 11585. Hindi nagtagal, kinansela ang titulo at hinati ang lupa sa dalawang titulo, titulo bilang 2472-A para sa 100,000 metro kuwadrado na nakapangalan sa probinsiya ng Cagayan at titulo bilang 2472-B na nakapangalan sa mga tagapagmana nina Tonyo at Toyang.
Dahil sa isang sulat petisyon noong Mayo 19, 1994 na ginawa ng ilang tao na diumano ay naka-posesyon sa lupa, at pagkatapos ng imbestigasyon ng DENR, napag-alaman na ang isang bahagi na may sukat na 2,640,000 metro kuwadrado ay itinuturing pa na gubat o taniman ng troso at idineklara lamang na maaaring ibenta sa publiko noong Peb-rero 22, 1982.
Dahil sa nangyari, noong Hunyo 10, 1998, mahigit 68 taon matapos ilabas ang kautusan bilang 381928, nagsampa ng kaso ang Republika ng Pilipinas upang mapawalang-bisa ang nasabing kautusan at upang mabawi ang lupa. Ayon sa Republika, walang kapangyarihan ang korte noong 1930 na ibigay ang lupa sa mag-asawa. Ang tanging maaaring mapunta sa mag-asawa ay ang 4,407,673 metro kuwadradong bahagi na hindi gubat. May laban ba ang kaso?
Wala po. Ang kawalan ng kapangyarihan ng korte bilang basehan sa pagpapawalang-bisa sa isang desisyon ay may kinalaman sa kawalan ng kapangyarihan nito sa mga taong sangkot o kaya ay sa isyung sangkot. Ang kapangyarihan ng korte ay idinidikta ng batas na umiiral nang isinasampa ang kaso.
Sa batas ng Kastila na namamayani noon, lahat ng lupa ay maaaring ibenta maliban na sadyang nakareserba. Noong isampa ng Republika ang petisyon, hindi nito napatunayan na sadyang nakareserba bilang gubat ang lupang sangkot. Ang tanging isinama sa petisyon ay mga mapa na hindi rin nagpa patunay na reserbado ang lupang sangkot.
Ayon sa batas na namamayani noong 1930 (Act 2874, Section 6), ang Gobernador Heneral ang pipili ng klasipikasyon ng lupa, kung ito ay maibebenta, gubat (timber) o minahan (mineral lands). Hindi sina ad sa petisyon na dineklara ng Gobernador Heneral na gubat o kaya ay minahan ang bahagi ng lupa. Malinaw din na nakasaad sa batas (Section 8) na maaaring ibenta ang lupa sa mga mamamayan maliban na ideklara itong gubat, minahan o kaya ay gagamitin ng publiko.
Malinaw na may kapangyarihan ang korte sa mga lupang sangkot lalo at mga mamamayan ang nagpe tisyon sa kaso. Nang magbigay ang korte ng kautusan, napatunayan na nito na agrikultural ang lupang sangkot at ang mag-asawang Tonyo at Toyang ang nakaposesyon dito sa loob ng nakalipas na mga taon. Ang gobyerno na isa rin sa mga par tidong sangkot ay hindi naman nag-apela ng ilabas ang kautusan noong 1930. Dahil napatunayan na talagang may kapangyarihan ang korte noon, hindi na maaaring baguhin pa ang desisyon.
Nang ipanukala ang Saligang Batas noong 1935, naroroon na ang karapatan ng mag-asawa sa lupa. At kahit pa nga dineklara noong 1935 na lahat ng lupa ay sa gobyerno maging ito man ay agrikultural, gubat o minahan, dapat pa ring kilalanin ng gobyerno ang mga karapatan at pribilehiyong ibinigay nito ayon sa batas (Section 1, Article XII). Ang pinal na desisyon ng korte ay isa sa mga kinikilala sa ilalim ng Saligang Batas ng 1935. (Republic etc. vs. Court of Appeals et. Al., G.R. 155450, August 6, 2008).