^

PSN Opinyon

Pag-iingat sa mga mandaragat na Pinoy

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

MARAMI sa mga taga-subaybay ng Programang BITAG sa radyo at telebisyon ang nasa sa ibayong dagat.

Salamat na lamang sa Modernong-teknolohiya ngayon sapagkat posible nang napapanood ang BITAG saan mang sulok ng Mundo, in real time and day via internet.

Kaya naman, matindi ang aming pagpapahalaga sa      mga Overseas Filipino Workers na laging nakatutok sa mga tinatrabaho ng inyong lingkod.

At bilang pagpapasalamat, itutuon ko ang aking topic ngayon sa mga tinaguriang mga Bagong-Bayani.

Napapanahon at makatwiran ang panawagan ng United Filipino Seafarers laban sa bagong Panuntunan na inila-bas ng DOLE o Department of Labor and Employment.

Ayon sa naturang samahan ng mga mandaragat, hindi pabor at mapanganib para sa kanilang kapakanan ang hak­ bang ng Labor Department na nagpapahintulot sa mga      Pinoy seamen na bumaba ng kanilang barko sa pinakahuling pinag-daungan nito.

Ito’y bago pa maglayag at dumaan ang kanilang barko        sa mga tinawag na high risk areas.

Kung ganito ang magiging kalakaran, hindi malayo ayon sa mga Pinoy seamen na hindi na kumuha pa ng mga Filipino ang anumang malalaking foreign vessels. Magi­ging ma­laking kawalan ito sa mga maritime industry na isa sa hindi maitatangging nagpapasok ng dolyar sa bansa.

Sa panig naman ng DOLE, ginawa lamang nila ang natu­rang resolusyon upang bigyang paalala ang mga marinong Pinoy.

Sinabi ni Secretary Marianito Roque na may pagpipi­lian naman ang mga ito. Ang manatili sa kanilang barko, subalit kung pipiliin nila ang bumaba lalo pa sa mga highrisk area, ay ang mga Pinoy-seamen na umano ang naglalagay sa kanilang sarili sa panga­ nib.

Layunin ng BITAG na laging maging taga­pag-paalala higit lalo pa kung ang kaligtasan na ang pinag-uusapan.

Nasanay man kayo sa mga tipikal na operas­yon ng BITAG sa pag­­tugis sa mga Kri­minal ng Lipu­nan, gusto ko ring ipaalala sa inyo na una sa lahat ang pag-iingat ay nasa sarili ng bawat isa nag­mumula. ADIOS!

vuukle comment

AYON

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

LABOR DEPARTMENT

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PINOY

SECRETARY MARIANITO ROQUE

SHY

UNITED FILIPINO SEAFARERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with