'Edwin Dino, nahuli!'
NUNG AUGUST 27, 2008 isinulat ko ang serye tungkol sa pananambang kay PO3 FERDINAND BAQUIRAN pati na rin sa kanyang mag-inang sina Maria Wilma Baquiran at Wendy Faye Baquiran. Pinamagatan ko itong ‘Dugo sa Tulay’.
August 5, 2008 ng unang pumunta sa aming tanggapan si PO3 Baquiran. Idinudulog niya ang mabagal na pag-usad ng kasong isinampa niya sa mga taong umagaw sa buhay ng kanyang mag-ina. Una na siyang lumapit sa himpilan ni Department of Justice Secretary Raul Gonzalez.
2004 ng matransfer si PO3 Baquiran sa Maragondon, Cavite. Siya ay naging radio operator, desk officer at ’di nagtagal ay naging intelligence officer din.
Nakilala niya ang isang Rodelio Punzalan. Siya ay isang U.S Citizen na may ari ng 67 hektaryang lupa sa Sito Balayungan, Pantihan I, Maragondon, Cavite.
Nagkaroon sila ng kasunduan na si PO3 Baquiran at ang Barangay Kapitan ng nasabing lugar na si Brgy. Kapitan Braulio Malimban ang mamamahala sa pagputol ng puno at mga kawayan. Makakatanggap sila ng porsyento sa bawat puno at kawayan na mapuputol para ibenta.
Pinarating kaagad nila PO3 Baquiran at Brgy. Kapitan Malimban sa mga taong naninirahan sa nasabing lupain ang desisyon ni Rodelio na siya na ang aani ng mga puno at kawayan.
Ayon kay PO3 na matapos ang pag-uusap ay dito na nagsimula ang pananakot kay Brgy. Kapitan Maliban ng mga Dino Brothers. Nung nagtagal mismong si Mayor Monte Adaman na ang pumunta kay Brgy. Kapitan maliban upang umagwat kay PO3 Baquiran.
Duon muna mamalagi sa bahay ng kanyang kapatid na si Tunying Malimban dahil sinabihan siya ni Mayor Monte Andaman na lumayo kay PO3 Baquiran dahil sa pulitika at baka masira sa taong nayon.
March 19, 2006 nagpunta si Justiniano Malaluan isang mamimili at nagtatabla ng kahoy sa bahay ni Tunying.
Nandun si PO3 Baquiran kasama ang kanyang asawa at sampung taong gulang na anak na si Wendy. Bandang alas kwatro ng hapon sila’y nag-inuman hanggang sa mapansin ni PO3 Baquiran na madilim na ang ulap kaya kinibahan ito. Bandang alas otso ng gabi ay tuluyan ng nagpaalam sila PO3 Baquiran. Hinatid sila ni Justiniano sa kanilang owner jeep at sinabihan na.
“Sige Pare kung hindi ka na talaga mapipigilan ay mag-ingat ka na lang pagdating sa may tulay. Pagdating sa gitna ng tulay ay may lumabas na tao mula sa puno na may hawak na mahabang baril. Nagulat kami pero tuloy pa rin ang aming pag-andar. Bigla na lang kami pinaputukan ng sunud-sunod. Narinig kong napasigaw ang asawa ko sabay tigil ng aming sasakyan. Nakita kong unang tinamaan ang asawa ko’t aking anak. Agad namatay ang mga ito, kwento ni P03 Baquiran.
Nakilala ni P03 Baquiran ang ilan sa mga tumambang sa kanila. Sila sina Eric Dino, Edwin Dino, Elmer Dino at Jun Dino,” ayon sa sinumpaang salaysay ni PO3 Baquiran.
April 2006 nagfile ng kasong 2 Counts of Murder and Frustrated Murder si PO3 Baquiran sa Cavite Prosecutor’s Office.
August 8, 2008 ng lumabas ang Order of Arrest na inisyu ni Judge Lerio Castigador ng RTC Branch 15, Naic Cavite laban sa mga suspect sa pananambang kay PO3 Baquiran.
Naging puspusan ang paghahanap sa mga suspects dahil na rin sa warrant laban sa kanila. Ilang ulit na rin na iradyo naming yan at napablish sa kolum na ito.
Bandang alas tres ng madaling araw September 5, 2008 NADAKIP sa highway ng bayan ng Maragondon, Cavite itong suspect na si Edwin Dino na may kasama na ’di pa nakikilalang lalake na mabilis namang nakatakas. Ikinulong si Edwin Dino sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng Naic, Cavite.
Maliban pa dito isang pang magandang balita ang natanggap ni PO3 Baquiran noong September 23, 2008 dahil natanggap niya ang Order mula sa Supreme Court na inililipat sa Regional Trial Court Manila ang hearing ng kaso na isinampa niya sa Dino Brothers ito ay dahil na rin sa tulong na ibinigay ni Sec. Raul Gonzalez ng Department of Justice at Hustisya para sa Lahat. (KINALAP NI JONA FONG)
PARA SA MGA biktima ng krimen, karahasan o legal problems maari kayong magtext sa 09213263166 o sa 09198972854, Maari din kayong tumawag sa 6387285. Ang aming tanggapan ay matatagpuan sa 5th floor CityState Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.
- Latest
- Trending