^

PSN Opinyon

Bangsamoro 20 taon lang nauna sa Kastila (2)

SAPOL - Jarius Bondoc -

TULOY ang kuwento ni Horacio de la Costa sa Readings­ in Philippine History, sa pinanggalingan ng mga Maguindanao. Dakong 1500 lumayag si Sarip Kabung­suwan at napadpad sa Cotabato. May kakaiba siyang lakas: kumukumpas lang, bagsak-patay na ang kalaban. Baril, ani de la Costa.

Dumaong si Kabungsuwan sa Tinundan. May na­aanod na mais at ube sa ilog. Tiyak may tao, nag-abang sila. Naparaan si Manumbali, datu ng Silangan, at pitong mangangaso. Nang di-magkaintindihan ng salita, kumumpas si Sarip; nabuwal-patay ang isang manga­ngaso. Kumaripas nang takbo ang iba. Nabalitaan ng mga taga-Katitwan ang pangyayari; bumaba sila sa ilog para makipagkilala. Hindi muli nagkaigi; isa muli ang napatay. Isinama nila sina Tabunaway at Mamalu na kapwa naintindihan si Kabungsuwan at sumakay sa barko. Ipinatawag ni Mamalu ang mga katribo at inanya­yahan si Sarip na sumama sa kanila pabalik sa Maguin­danao. Pumayag siya — sa kundisyong magpabinyag muna lahat bilang Muslim, at pumayag sila.

Inulit ni Thomas McKenna ang kuwento sa Muslim Rulers and Rebels, pero mula sa “tarsila”, ang family tree ng Cotabato sultanates na itinatag nu’ng 1511. Lumalabas na bininyagang Muslim ni Kabungsuwan ang iba pang datu, at inasawa ang mga anak. Saad sa “tarsila” ang lahing bughaw mula Johore na kadugo rin ni Propetang Mohamad. Sa anak si Kabungsuwan na Sarip Makaalang nagbuhat ang mga datu na Maranao. Maraming purok at isang bagong probinsiya ngayon ang pinangalanang Sharif Kabunsuan, sa makabagong baybay.

Isa ring kadugo ni Mohamad ang nagturo ng Islam sa Sulu-Palawan. Taon 1450, lumayag si Sarip Syed Abu Bak’r, Arabong isinilang sa Johore, at napadpad sa Sulu mula Melaka. Inasawa niya si Param Isuli, anak ni Rajah Baguinda. Makalipas ang pitong taon, itinatag niya ang Royal Sultanate of Sulu, House of Hashemite in Hadra­ maut, kung saan naman nagmula ang mga datu ng Tausog at Yakan. Nakalibing si Abu Bak’r sa Simunol, Tawi-Tawi, sa gilid ng pinaka-matandang mosque sa bansa.

ABU BAK

COTABATO

HOUSE OF HASHEMITE

JOHORE

KABUNGSUWAN

MAMALU

MUSLIM RULERS AND REBELS

PARAM ISULI

PHILIPPINE HISTORY

PROPETANG MOHAMAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with