^

PSN Opinyon

Bangsamoro 20 taon lang nauna sa Kastila (1)

SAPOL - Jarius Bondoc -

KALAHATI ng Kasaysayan ay datos, at kalahati’y opin-yon. Merong mga nagbabaluktot ng datos — tulad ng mga taga-Malacañang at separatista na umakda ng Memo of Agreement-Ancestral Domain. Anila simula’t-sapol ay okupado ng Bangsamoro people ang Mindanao, Sulu at Palawan. Mali.

Giit sa MOA-AD, “Kikilalanin ng magkabilang panig     ang ancestral domain na pag-aari ng ninuno ng Bang­samoro mula sinaunang panahon.” At “First Nation” kuno sila, na may sariling gobyerno’t kostumbre.

Kabaliktaran ang sabi sa bigkas at nakasulat na tradis­yon ng mga Maguindanao at Maranao, na umano’y kina­katawan ng MILF. Dumating ang mga ninuno nila sa Central Mindanao mula Johore, katimugang dulo ng Malay Peninsula, bandang 1500. Samakatuwid, nauna lang sila sa mga Kastila nang humigit-kumulang 21 taon. Sama­katuwid din, okupado na noon ang Limasawa, Cebu at Mactan ng ninuno ng mga sumalubong kay Magellan: Sina Kolambu, Humabon at Lapulapu. Ang Luzon naman ay okupado na ng mga Tagalog, Ilokano, Pampango, at iba pa na nakikipag-kalakal sa Visayas. Nang dumating nga ang mga bisitang Muslim mula Johore, sinalubong sila ng mga naunang naninirahan — mga Lumad.

Sa Readings in Philippine History, isinulat ni Horacio de la Costa ang bigkas na panitikan ng Maguindanao. Nagsisimula ang tala sa pagdating sa Johore mula Mecca ng Arabong Sarip Zayna-l-Abidin, at du’n nakilala niya si Putri Jasul Asikin, dalaga ni Sultan Sulkarnayn. Nag-asawa ang sarip at prinsesa; inanak si Sarip Kabungsuwan. Nang magbinata, humayo si Kabungsuwan at barku-barkong taga-Johore para manakop ng ibang lupain. Hinangin sila nang matindi sa laot at nagkahiwa-hiwalay ang mga barko. Napadpad si Kabung­suwan sa Cotabato; iba’y sa Balunay, Kuran, Tam­pasuk, San­dakan, Palim­bang, Bang­jar, Suluk, Tubuk, at Ma­labang.

Sa puntong ito, tinu­koy ni De la Costa ang alamat ng Maguinda- nao na may kakaibang lakas si Kabungsuwan: Kumu­kumpas lang, bag­sak-patay na ang kala­ban. Pakiwari ni De la Costa, taglay ng sarip bukod sa bagong reli­hiyon ay baril!

(Itutuloy bukas)

ANG LUZON

ARABONG SARIP ZAYNA

CENTRAL MINDANAO

FIRST NATION

JOHORE

KABUNGSUWAN

MAGUINDANAO

MALAY PENINSULA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with