Batang sundalo ng NPA, MILF
HINDI nagsisinungaling ang mga retrato. Kasama ng mga baril at bomba, nakuha ng tropang gobyerno sa kuta ng Moro Islamic Liberation Front sa Baryo Daplawan, Maguindanao, ang larawan ng mga binatilyong nagmi-military exercises. Malinaw sa retrato (front page ng Philippine STAR nung Huwebes, 18 Sept. 2008) na wala pang edad-18 ang mga may tangan ng M-16. Kumpirmado ang matagal nang iniaangal ng gobyerno na nilalabag ng MILF — at komunistang New People’s Army — ang pagbabawal ng United Nations sa paggamit ng mga batang sundalo.
Napaka-simple ng rason sa pagbabawal. Paglabag ito sa karapatan ng bata sa matiwasay na kinabukasan. Dapat nasa paaralan ang bata, imbis na pinagta-trabaho sa pabrika o bukid, at lalo nang hindi isinasabak sa giyera. Sa murang isip niya, nangangarap pa siyang maging bum-bero, pulis, piloto, doktor o inhinyero — pero inilalagay ng recruiter ang buhay nila sa panganib. Ika nga ng Armed Forces, natural lang paputukan din nila ang bumabaril sa kanila, bata man o hustong gulang na.
Hindi sinusunod ng mga rebeldeng grupo ang alitun-tunin ng UN (pati ‘yung pagbawal ng landmines na sanhi ng daan-libong lumpo sa Afghanistan). Katuwiran nila, hindi naman sila ang pumirma sa tratado, kundi ang gob-yernong pinababagsak nila.
Sa isip naman ng bata, matinding adventure ang pagrerebelde. Kung minsan, inuudyukan pa sila ng hikahos ng magulang na sumali. Kung marami nga namang anak ang sikap pinakakain ng magulang, at yumao ang isa para mag-MILF o -NPA, aba’y bawas bungangang aalalahanin. Bukod du’n, may baril pa ang bata na sagisag ng kapang yarihan, at munting suwel-do, pagkain at sigarilyo.
Mas malamang magma- lupit ang mga batang sundalo —dahil kulang sa paghubog sa moralidad. Sa Cambodia natagpuan nu’ng dekada-’80 ang isang pangkat ng mga batang de-baril, na walang pakundangan kung pumatay ng mga magsasaka. Ang mga batang MILF ay nauulat na bangag sa shabu kaya namumugot ng mga bata’t matanda.
- Latest
- Trending