^

PSN Opinyon

'Sisihan at turuan'

- Roy Señeres -

NAKATATAWA ang pahiwatig ni General Esperon na alam ni Mrs. Arroyo ang laman ng agreement para sa Bangsamoro Juridical Entity (BJE) na muntik nang mapirmahan sa Malaysia kung hindi umatras ang gobyerno dahil sa pressure ng public opinion.

Sa laki ba naman ng intelligence fund ng Palasyo, hindi pa malalaman ni Mrs. Arroyo ang mga pinaplanong hakbang sa kanyang paligid? Sinasabi ba ni Esperon na maaring pinapaikutan si Mrs. Arroyo ng kanyang mga sariling tauhan at hindi sinasabi sa kanya ang mga plano nilang gawin?

Bilang dating ambassador, alam ko na bago pumunta sa abroad ang mga opisyal upang pumirma sa anumang kasunduan sa ngalan ng gobyerno, kailangan muna silang kumuha ng “powers” o di kaya authority sa Palasyo. Sinasabi ba ni Esperon na maaring napirmahan ang powers na ito na hindi alam ni Mrs. Arroyo? At kung ang mga kinatawan ng gobyerno ay pumunta man sa Malaysia na walang dalang powers, hindi kaya parang naging mga bagito at tanga sila sa larangan ng diplomasya?

Kung hindi nga alam ni Mrs. Arroyo ang laman ng kasunduan, bakit nasa Malaysia si Alberto Romulo na kanyang secretary of Foreign Affairs? Sinasabi ba ni Esperon na gumagawa ng sariling lakad si Romulo na hindi alam ni Mrs. Arroyo?

Talagang tambak na sa pagsisinungaling ang gobyerno sa usapang ito. Una, sinabi ng gobyerno na marami silang ginawang consultation ngunit nabisto na wala naman pala. Pangalawa, parang nagpahiwatig pa na hindi alam ni Mrs. Arroyo ang laman ng BJE.

Kung si Esperon ay nagsasabi ng totoo, lalabas na parang sinungaling si Mrs. Arroyo, dahil isa lamang sa kanilang dalawa ang maaring magsabi ng totoo.

Sa dalawa sa kanila, si Esperon ay parang wala pang malinaw na record sa pagsisinungaling, ngunit si Mrs. Arroyo ay mayroon na. Sino kaya sa kanila ang ating paniniwalaan?

vuukle comment

ALBERTO ROMULO

ARROYO

BANGSAMORO JURIDICAL ENTITY

ESPERON

FOREIGN AFFAIRS

GENERAL ESPERON

MRS

MRS. ARROYO

SINASABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with