^

PSN Opinyon

Bacoor Mayor Strike Revilla, linisin mo ang iyong bayan sa talamak na prostitution!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

NAGPULASAN ang mga bugaw sa mga bahay aliwan sa Bgy. Niyog. Aguinaldo Highway, Bacoor, Cavite nang salakayin ng mga pulis sa pamumuno ni Supt. Mario Reyes at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Matapos malambat ang may 30 kababaihan na pawang walang health certificate at working permit ay agad isinunod ang kahabaan ng Tirona Highway, Bgy. Mabolo kung saan ay maraming menor de edad ang nahuling nakikipag-table sa mga kostumer. Huli sa akto ang mga ito kung kaya luhaang nagsumamo sa kapulisan ang mga kabataang babae.

Maging ang mga kostumer ay hindi pinalampas ng mga pulis ng isa-isang kapkapan. Hindi pinalusot nina Insp. Nelson Pagaduan at Insp. Ronald Estilles Jr. ang mga babaing naghihintay ng kustomer sa mga nakaparadang tricycle, he-he-he! Hindi nakalusot sa dalawang masisipag na opisyal ang mga palusot ng mga babaing naglalako ng laman. Get nyo mga suki?

Bagamat nakalusot sa unang bugso ng pananalakay ang mga bugaw, tinitiyak ng dalawang opisyal na ma­lalambat din nila ito sa madaling panahon. Kaya humanda kayong mga bugaw at sa darating na mga araw ay maisisilid din kayo sa rehas na bakal.

Nag-ugat ang pananalakay sa mga bahay aliwan nang ipag-utos ni Mamang Pulis chief Dir. Gen. Avelino Razon ang Oplan Magdalena “Sagip Nene” matapos makatang­gap ng mga reklamo na pawang mga kabataan umano ang isi­ nasadlak sa prostitusyon ng mga sindikato. Buking na kasi ang galaw ng mga sindikato sa Metro Manila kaya’t sa mga lalawigan na umano dinadala ang mga kabataang babae.

Paalis na sa puwesto si Mamang Pulis chief Razon subalit serbisyong publiko pa rin ang nasa isipan. Sana manahin ng incoming PNP chief ang kabutihan at kasipagan ni Razon upang lalo pang tumaas ang moral ng mga pulis sa ating bansa.

Maging si Bacoor Mayor Strike Revilla ay naalarma na rin sa mada­ las na away sa mga lugar kung saan ang mga ba­hay aliwan ang pinag­mumulan kung kaya’t agad na inatasan niya     si Supt. Reyes na mag­sa­gawa ng pananalakay sa lahat ng mga karaoke bar’s and Pub Houses. Mabuti’t nagising na rin   si Mayor Revilla sa kato­tohanan, na ang kanyang lalawigan ay pinamumu­garan na mga baba­ing mababa ang lipad.

Kaya’t ang lahat ng mga kababaihan na hi­nuli ay agad na isinailalim sa medical check-up upang masuri ang mga ito upang maiwasan ang pagl­a­ganap ng sakit . Ang lahat ng mga kababa­i­han na walang working permits ay pagmumul­tahin at pansamantala munang makukulong sa presinto.

Mayor Revilla dapat lamang na pag-ibayuhin mo ang sinimulan mong kampanya upang maalis sa isipan ng inyong ma­mamayan na ningas cogon lamang ang pana­lalakay ng inyong kapuli­san. Hala, Mayor linisin mo ang iyong nasasa­kupan sa talamak na prostitus­yon.  Abangan!

vuukle comment

AGUINALDO HIGHWAY

AVELINO RAZON

BACOOR MAYOR STRIKE REVILLA

BGY

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

MAMANG PULIS

MAYOR REVILLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with