^

PSN Opinyon

Away nina Erap at Lim

- Bening Batuigas -

ANG tinatawag na ABC ang dahilan kung bakit nagka­hiwalay ng landas si Manila Mayor Alfredo Lim at dating Pres. Erap Estrada. Kung noon panay puri ni Estrada kay Lim ngayon ay iba na. Ang tawag ni Erap kay Lim “political butterfly”. Hindi makalimutan ni Erap ang ginawa ni Lim na pagbaliktad noong kasagsagan ng 2001 People Power revolt kung saan napatalsik siya sa Palasyo at pinalitan ni President Arroyo. Mukhang wala nang paraan para muling uminit ang relasyon nina Lim at Erap. Sinibak na si Lim sa Partido ng Masa ng Pilipino, bilang presidente nito. Ang pumalit kay Lim ay si Erap na founding chairman ng PMP.

Maaaring hindi sinasabi ng magkabilang kampo ang tunay na dahilan kung bakit biglaang nawala ang gana ni Erap kay Lim subalit ayon sa mga kausap ko sa Manila Police District (MPD), PITSA ang puno’t dulo nito. Ayon sa mga kausap ko, nagsimulang lumamig ang relasyon ng dalawa nang mag-resign sa puwesto sina dating police Gen. Jose Calinisan at Gen. Diaz na parehong trusted lieutenant ni Erap nga. ‘Yan ang ibig sabihin ng C sa mga dahilan sa away ng dalawa. Si Calinisan ay dating PRO3 director samantalang si Diaz ay dating PSG chief ni Erap. Mukhang me proyekto na pagkakakitaan sina Calinisan at Diaz na hindi inayunan ni Lim kaya nagkahiwalay sila ng landas. Kaya naman nasa poder ni Lim sina Calinisan at Diaz ay dahil malaki ang papel na ginampanan nila para manalo ang huli noong nakaraang elections.

Ang B sa away nina Lim at Erap ay tungkol naman sa kontrata sa basura. Ito palang anak ni Erap na si Sen. Jinggoy ay nag-submit ng proposal para sa garbage collection ng Maynila. Ang ibig kong sabihin mga suki, nais ni Erap na palitan ng anak niya ang Leonel Waste Management na ang may-ari ay si Totoy Uy. Si Totoy mga suki ay dating bata ni Lim noong kapanahunan ng kaibigan nitong si Sy Pio Lato. Subalit nang si DENR Sec. Lito Atien­ za ang mayor ng Maynila, tinalikuran ni Totoy si Lim. Kaya’t ang garbage collections sa May­nila ay napunta sa mga ali­pores ni Lim at naiwan sa kangkungan ang kontrata ni Jinggoy, anang mga kau­sap ko sa MPD.

Ang A naman sa away nina Lim at Erap ay tungkol sa demolition ng Dealco Co., ang namamahala sa slaughterhouse sa Vitas, Tondo. Si Erap pala ay nila­pitan ng isang Delfin Alco­reza para pigilan si Lim na ipa-demolish ang negos­yo nila subalit tulad ng BC na dahilan sa away  nila ay hindi pinakinggan ng Manila mayor. Ang matan­dang Alcoreza pala at si Erap ay may magandang sama- han noon bago pa maging presi­dente ang huli. Sobra na talaga ang galit ni Erap kay Lim at sa tingin ng mga kau­sap ko wala nang pag-asa na magsa­ma pa sila sa PMP. Kanya-kanyang raket lang ‘yan!

‘Wag kayong kumurap mga suki. Ang balita ko umu­usad na ang recall movement laban kay Lim at mara­mi na sa mga kapitan ng barangay sa Maynila ang nakapirma.

Abangan!

ANG A

ANG B

CALINISAN

DIAZ

ERAP

LIM

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with