^

PSN Opinyon

Pulbusin na!

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

MABAGAL magdesisyon ang Arroyo administration para wakasan ang pagmamalabis ng Moro Islamic  Libe­ ration Front (MILF). Hindi ko rin naman maintindihan kung bakit hinahayaan ng gobyerno na lokohin sila ng mga terorista gayung marami nang sibilyan ang napapatay.

Hindi na dapat magkaroon ng peace talk sa pagitan ng mga terorista. Kalimutan na ang peace talk sapagkat marami nang karumal-dumal na krimen ang ginagawa nila. Hindi rin sila tumutupad sa anumang napag-uusapan.

Noong nakaraang linggo, marami na namang pina-tay ang mga teroristang MILF. Pinasok nila at sinunog ang maraming lugar sa Lanao del Norte particular ang Kulambugan. Inambus nila ang isang grupo ng mga sundalo at isang opisyal at dalawang sundalo ang napatay. Tinambangan ang mga sundalo habang mag­dedeliber ng perang pansuweldo sa mga miyembro ng CAFGU sa Kulambugan. Patraidor ang pagsalakay ng MILF sa mga sundalo na pinamumunuan ni Commander Bravo at Commander Umbra Cato.

Pilit namang itinatanggi ni MILF Chairman Al-Haj Mu­rad na may kinalaman sila sa pananambang at panu­nunog sa Lanao del Norte. Sinabi ni Murad na iim­bes­tigahan nila ang naganap.

Dapat panagutin ang MILF sa ginawa ng mga itong karumal-dumal na pagpatay sa mga sundalo at sibilyan at ganundin sa panununog ng mga ari-arian. Panahon na para wakasan ang kanilang kasamaan. Pulbusin na sila para kahit ang kani­lang anino ay hindi na masilayan pang muli.

Alam kong kayang-kaya ng Armed Forces   of the Philippines at Philippine National Police    na pulbusin ang mga teroristang MILF. Hindi ba’t naipakita na ng AFP ang kanilang kaka­yanan ng agawin nila ang Camp Abubakar noong panahon ni dating President Joseph Estrada.

Huwag nang mag­patumpik-tumpik pa sa paglipol sa mga tero­rista!

ARMED FORCES

CHAIRMAN AL-HAJ MU

COMMANDER BRAVO

COMMANDER UMBRA CATO

KULAMBUGAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with