‘Ngitngit ni bayaw’
ANO NGA BA ANG INGGIT? Parang kalawang na sumisira ng mga bagay. Kung bakal nga kayang sirain ng kalawang kaya din nitong sirain ang relasyon ng mga magkakapatid, magkakapamilya at magkaibigan!
Idinulog niya ang pagpatay sa kanyang ama na si Marcial Martinez nung
Si Marcial ay 56 taong gulang ng mangyari ang krimen. 14 taong naglingkod bilang security guard sa National Bookstore sa Grand Central.
Gabi ng September 25, habang nasa Maynila ay hindi makatulog si Elmar. Siya ay nakaramdam ng pagkabalisa at tila kinakabahan.
Alas tres y media ng madaling araw ng makatanggap ng tawag si Elmar mula sa kanyang bunsong kapatid na si Marlo Martinez na nasa Brgy. Colayo, Pangasinan.
“Tumawag si Marlo sa akin at sinabi niya na patay na si Tatay. Nagalit ako dahil hindi magandang biro ang sinasabi nya pero talagang totoo ang binalita niya kaya nagpaalam kaagad ako sa asawa ko para makauwi sa Pangasinan,” kwento ni Elmar.
September 26, alas diyes ng umaga ng makarating si Elmar sa Pangasinan. Agad siyang dumiretcho sa Munisipyo ng Bani dahil dun sasailalim sa autopsy ang kanyang Tatay.
“Nagulat ang mga tao sa akin dahil hindi nila akalain na alam ko kaagad ang nangyari. Sabi ni Brgy. Kapitan Conrado Huellas na huminahon lang daw ako. Nanahimik ako at hindi ko masyado kinausap ang mga tao sa burol ni Tatay sa sama ng loob,” sabi ni Elmar.
Ayon kay Elmar bandang ala singko ng hapon ng makipag-inuman ang kanyang Tatay at kapatid sa kanilang mga kapitbahay matapos nilang mag-ani.
Dumaan si Lopeto Dela Cruz sa kanilang bahay kung saan sila nag-iinuman pauwi sa kanilang bahay sakay ng isang bike. Siya ay galing sa isang kaibigan at nakipag-inuman din.
Si Lopeto ay isang tricycle driver. Siya ay asawa ng kapatid ng Tatay ni Elmar na si Shirley Dela Cruz.
Lumakad ng kaunti si Marlo papuntang bahay nila Lopeto at sinigawan niya ito ng, “Magaling ka lang dahil may baril ka. Mayabang!”
“Dati ng may-alitan sila Tatay at si Tito Lopeto. Simula ng magresign si Tatay sa trabaho dahil na rin sa kahinaan ay umuwi na siya sa probinsya para dun na mamuhay. Binigyan siya ng lupa at water pump ng kapatid niya na nasa
Sumunod si Marcial sa anak ngunit dumaan ito sa ibang lugar para awatin si Marlo sa pag-aakalang pupunta ito sa bahay nila Lopeto.
Hindi niya naabutan dun ang anak. Kinausap niya si Lopeto at di nagtagal ay nagkainitan na sila at nagsuntukan.
Dahil na rin sa kalasingan ay kaagad natumba si Marcial at hindi maipagtanggol ang sarili ng maayos.
Ilang saglit lang ay nakarinig ng putok ng baril ang nanay ni Elmar na si Elenita Martinez.
Agad siyang pumunta sa bahay nila Lopeto at dun naabutan niyang nakahandusay ang asawa at duguan dahil may tama ito ng bala sa dibdib.
“Alas nuebe ng gabi ng nabaril si Tatay. Walang gustong tumulong na kapitbahay sa kanila Nanay nung mga oras na yun dahil away pamilya daw kasi. Dinala nila si Tatay sa bahay at nung nag-umaga dun na may sumundong sasakyan at dinala na siya sa munisipyo,” malungkot na kwento ni Elmar.
Di pa nagtatagal nung mangyari ang pagpatay ay nalagutan na ng hininga si Marcial kaya nung nag-umaga ay idineretcho na ito sa munispyo para i-autopsy
Madali namang tumakas si Lopeto at nagtago matapos niyang mabaril si Marcial.
Agad nagfile ng reklamong Homicide with the used of Unlicensed firearm sa Provincial Prosecutor Office ng
“Matinding galit ang naramdaman ko nung nakita ko siya. Agad ako nagreport sa pulis pero hinanapan nila ako ng warrant of arrest. Wala akong maipakita nung mga oras na yun kaya hindi rin siya nahuli. Nung sumunod na araw ay dinala ko ang warrant sa mga pulis at sabi nila tatawagan nalang nila ako pagnahuli na,”salaysay ni Elmar.
Hanggang ngayon ay patuloy pa ring gumagala si Lopeto na para bang walang siyang kasalanan na dapat panagutan.
“Kung sino man po ang may alam kung nasaan si Lopeto
PARA SA ANUMANG IMPORMASYON sa kinaroroonan ni Lopeto Dela Cruz maaari po kayong magtext sa 09213263166 o sa 09198972854, Maari din kayong tumawag sa 6387285. Ang aming tanggapan ay matatagpuan sa 5th floor City State Center Bldg.,
Email address: [email protected]
- Latest
- Trending