^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Nag-aalala sa maybahay at padre de pamilya pero hindi sa populasyon

-

TUTOL si President Arroyo sa Reproductive  Health Bill at pinapaboran ang natural na family planning. Ayaw niya ng artificial contraception na kagaya ng condoms. Ang Simbahan ay ganyan din ang pani­nindigan. Hindi sila pabor sa paggamit ng mga contraceptives para mai-promote ang family planning. Sabi pa ng isang Obispo, ang mabisang paraan daw para hindi dumami ang anak ay bawa­san ang pang­gigigil ng mga mister sa kanilang mga asawa.

Sa nakaraang SONA ni Mrs. Arroyo ay labis-labis ang pag-aalala niya sa mga maybahay at padre de pamilya na pumapasan ng mga pananagutan para sa pamilya. Sa kanyang tinig ay wari bang naroon ang matinding pamumroblema sa bawat pamilya.

Narito ang bahagi ng mga sinabi ni Mrs. Arroyo sa kanyang SONA noong Lunes: “Nag-aalala ako para sa nakaaawang maybahay na pasan ang pana­nagutan para sa buong pamilya. Nag-aalala ako para sa magsasakang nasa unang hanay ng pamban-sang produksyon ng pagkain ngunit nagsisikap pakanin ang pamilya.

Nag-aalala ako para sa 41-year old na padre de pamilya na di araw-araw ang trabaho, at nag-aabala sa asawa at tatlong anak, at dapat bigyan ng higit pang pagkakakitaan at dangal…”

Matindi ang kanyang pag-aalala sa mga pamilya. Pero ang pag-aalala niyang ito ay hindi naman tumutugma sa kanyang pagsalungat sa Reproductive Health Bill na dapat ay maipatupad para sa lumalalang population problem. Ang Pilipinas ay ika-4 sa mga bansa sa buong daigdig na may pinakama­raming populasyon. Kung hindi mapipigilan ang pagdami ng mga Pinoy, nakaamba ang malaking problema sa pagkain. Ngayon pa lamang ay grabe nang hirap ang dinaranas dahil sa krisis sa pagkain. Paano pa kung lumobo nang lumobo ang mga Pilipi­no? Sa kasa­ lukuyan, mahigit nang 90 milyon ang mga Pinoy.

Kung talagang nag-aalala si Mrs. Arroyo sa kala­gayan ng mga maybahay at padre de pamilya na pinapasan ang hirap para lamang maigapang ang kanilang pamilya, dapat sana ay maituro niya ang kahalagahan ng family planning kung saan ang mga epektibong paraan ang dapat gamitin. Oo nga’t maaari ang natural na family planning pero hindi ito ganap para masupil ang pagdami ng mga Pinoy. Hindi gaanong epektibo para masolusyunan ang pagdami ng pabrika ng mga bata.

AALALA

ANG PILIPINAS

ANG SIMBAHAN

MRS. ARROYO

PAMILYA

PARA

PINOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with