^

PSN Opinyon

GMA actions, appointments binabatikos

- Al G. Pedroche -

POBRENG President Arroyo! Wala na yatang gagawing I-aapreciate ng tao. Naglaan ng mga subsidiya sa mahihirap, inulan ng batikos. Pati mga taong ina-appoint niya’y bina­batikos pa rin. Halimbawa, Maraming nagpoprotesta sa hanay ng oposisyon sa appointment ni dating Pampanga Rep. Zenai­da Ducut bilang bagong hepe ng Energy Regulatory Commission (ERC).

“Cabalen” daw siya ni Pangulong Arroyo at abogado pa umano ni suspected jueteng lord Bong Pineda. Pilit ding ginagawang isyu ang pagiging kamag-anak umano ni Ducut sa mag-asawang Resie at Leslie Ducut, incorporators ng kon­ trobersyal naTranspacific Consolidated Resources Inc. (TCRI). Pero ani Ducut, hindi niya kamag-anak ang mga yun at ni “hindi kakilala.” Ka-apeyido lang daw.

Kinakastigo si Ducut dahil ang kompanya ng mga sina­sabing “kamag-anak” niya ay nakakuha ng P956 million halaga ng kontrata sa coal supply ng National Power Corporation (Napocor) gayung P62,500 lamang paid up capital.

Ani Sen. Joker Arroyo, di dapat iugnay ang TCRI issue kay Ducut porke’t ka-apelyido niya ang mga taong dawit sa sinasabing anomalya. Tumpak ang katwiran ng senador na mas dapat pagtuunang pansin ay ang mga kabulastugan sa NAPOCOR kaysa bulatlatin pa kung anong klase ng pagkatao mayroon si Ducut. Napocor ang dapat mag-iksplika sa usapin at hindi si Ducut.

Hindi ko kilala si Ducut. Ngunit base sa ‘credentials’ niya bilang abogado at kongresista ng Pampanga, hindi na rin puwedeng tawaran ang kanyang kakayahan. At kung hihimayin nating mabuti, nakuha ng TCRI ang coal contract noong wala pa si Ducut sa ERC kaya ano ngayon ang isyu?  Hindi naman si Ducut ang nag-award ng kinukuwesyong kontrata.

Ang dapat gawin ng Senado ay imbestigahan pang mabuti ang mga kabalbalan diyan sa Napocor. Samantalang si Aleng Zeny naman ay dapat magtrabaho nang husto at patunayan na mali ang mga bintang sa kanya.

Patunayan niyang karapat-dapat siya sa kanyang puwesto para maibsan kahit papano ang lumalalang problema sa enerhiya, lalo na ang hindi mapigilang pagtaas ng presyo nito. Ang hirap kasi ngayon, mapalapit ka lang kay Mrs. Arroyo, pagdududahan na ang integridad mo.

ALENG ZENY

ANI SEN

BONG PINEDA

CONSOLIDATED RESOURCES INC

DUCUT

ENERGY REGULATORY COMMISSION

NAPOCOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with