^

PSN Opinyon

‘Can you be my sexmate?’

- Tony Calvento -

(Huling Bahagi)

“Kinukulit niya ko. Kahit saan ako umupo ay sinusundan niya ako kaya tumayo na ako para umuwi pero pinigilan niya ako at sinabing “Saan ka pupunta?” sinagot ko siya “Uuwi nalang ako.  Anong problema mo?” kwento ni Anna.

Pinigilan ni Jeffrey umuwi si Anna.  Hinarangan niya ng kahoy ang pinto para hindi agad makalabas si Anna.  Kinausap niya si Edmar na pagsabihan si Jeffrey dahil sumusobra na ito at gusto na niyang umuwi pero sinagot lamang siya ni Edmar na pagbigyan na si Jeffrey.

“Sige na pagbigyan mo na ko. Can u b my sexmate ha?” sabi ni Jeffrey.

NUNG NAKARAANG Miyerkules ito ang mga naisulat ko sa unang bahagi ng isang hindi magandang nakaraan ni Anna 15 taong gulang.

June 20, 2008 pumunta siya sa bahay ng kaibigan na si Diane.  Hindi niya ito nakita pero naabutan niya si Michelle at Edmar na nanonood ng tv kaya nakinood na rin siya.  Ilang saglit lang dumating si Jeffrey 13 taong gulang.

“Habang nanonood kami ng tv ay nagbibiruan at nagtatawanan kami.  Hindi ko pinansin si Jeffrey nung umakyat siya.  Nagulat na lang ako ng umupo siya sa tabi ko.  Pasimple akong lumipat ng pwesto para lumayo kay Jeffrey.” kwento ni Anna.

Tila likas ang kakulitan kay Jeffrey dahil kahit anong iwas ang gawin ni Anna ay sinusundan parin siya nito at sinabi niya kay Anna na “Sige na pagbigyan mo na ko.  Wala kong kasexmate eh.” sabi ni Jeffrey

Nainis si Anna kaya napagpasyahan niya na umuwi nalang dahil sa inaasta ni Jeffrey.  Pinigilan siya nito at pilit na ipinasok sa kwarto.

“Lumalaban ako pero mas malakas talaga siya.  Sumi­si­ gaw ako pero ayaw akong tulungan nila Michelle at Edmar at ki­nu­kunsinti pa nila si Jeffrey sa pambabastos nito sa akin. Hinuhubad niya ang shorts ko pero pilit ko itong itinataas.  Hang­­gang sa wala na akong nagawa dahil tuluyan niya na akong nahubadan at pinasok niya ang ari niya sa akin.”  dagdag ni Anna.

Hinang hina si Anna matapos siyang gamitin ni Jeffrey. Naka­tu­log siya at nagising nalang ng bandang alas kwatro ng hapon. Wala na si Jeffrey sa kwarto at sila Michelle at Edmar nalang ang nakita.

“Pagkagising ko ay nagmadali akong bumangon pero nahirapan ako dahil masakit ang katawan ko pati na rin ang ari ko. Paalis na ako ng sabihin sa akin ni Michelle na may dugo ang shorts ko sa likod.  Pinahiram niya ako ng tuwalya para makauwi na ako sa amin.” sabi ni Anna.

Hindi alam ni Anna kung anong gagawin.  Takot na takot siya na baka may makaalam ng nangyari at sabihin sa kanyang magulang. Dahil sa tensyon at pangamba ay kinwento niya sa isang nakatatandang kaibigan ang nangyari.

“Sabi ni Ate Cathy Angeles na kailangan daw mala­man nila mama ang nangyari kaya siya na rin mismo ang nagsabi kay mama sa takot ko.” kwento ni Anna.

“Halos himatayin ako ng nalaman ko ang nangyari sa anak ko. Awang-awa ako sa kanya.  Pumunta kaagad ako sa barangay para ireklamo si Jeffrey pero nirefer nila kami sa Munisipyo ng Muntinlupa.” ayon kay Dina.

Nung nagharap ang dalawang panig sa barangay ay inamin umano ni Jeffrey ang ginawa niya kay Anna ngunit ng sila ay magharap sa munisipyo ay mariin na tinatanggi lahat ni Jeffrey ang akusasyon.

“Alam ko naman na hindi siya makukulong dahil menor- de-edad siya.  Ang gusto ko lang mabigyan siya ng leksyon at mapunta siya sa pangangalaga ng DSWD Department of Social Welfare and Development.” pahayag ni Dina.

Sa ngayon hindi na alam ng pamilya nila Dina kung nasan si Jeffrey.  May mga nagsasabi na nasa Canlubang siya at ang iba naman nasa Biñan daw sa mga kamag anak nila.

Sana mapagbayaran niya ang ginawa niya sa akin.    Ako na lang sana ang huling taong mabiktima niya at wala ng sumunod pa dahil hindi magandang karanasan ang ginawa niyang pambababoy sa akin. Kung wala si mama sa tabi ko malamang nabaliw na ako.” pahayag ni Anna.

“Wag sanang kunsintihin si Jeffrey ng kanyang mga magulang.  Alam nilang may kasalanan ang anak nila kaya ilabas nila ito at wag itago upang mapanagutan ang maling ginawa niya para matutunan niya ang tamang pagrerespeto sa kababaihan.” panawagan ni Dina.

Para sa mga mapupusok na menor-de-edad wag niyong ga­mitin ang pagiging bata upang hindi n’yo mapanagutan ang mga ka­maliang ginawa n’yo. Matuto kayong isabuhay ang mga aral na ibinigay sa inyo ng inyong mga magulang upang maging matuwid ang inyong buhay dahil sa bandang huli hindi lang sarili mo ang pahihirapan mo pati na rin ang inyong magulang. (Kinalap ni Jona Fong)

MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may legal problems maaari kayong tumawag sa 6387285 o magtext sa 09213263166 o 09198972854.  Maari din kayong magpunta sa aming tanggapan sa 5th Floor City State Center Building, Shaw Blvd, Pasig City

SA PUNTONG ITO nais kong ipanawagan sa lahat na kinakailangan pa rin ng tulong ang mga kababayan na nasalanta ng bagyong FRANK lalo na sa Iloilo City.

Maaring kayong makipag-uganyan sa aming tanggapan para sa anumang tulong na nais ninyong iparating. Paki-contact n’yo na lamang si Gail de Guzman o si Jona Fong sa aming mga numero.

Maraming salamat sa inyong lahat.

Email address: [email protected]

vuukle comment

EDMAR

JEFFREY

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with