(Last Part)
KAHIT pala magpatayo ng bagong gusali ang Napol-com sa P25 milyong budget ay makakaya at makasisiguro pa ang mga kawani na magiging matatag at moderno na ang pagkayari ng kanilang opisina, he-he-he-he!
Hindi lamang pala pagkumpuni ng gusali at electrical ang kanilang napunang may tongpats si Napolcom director Sablay, dahil maging ang airconditioning system ay nakatakdang pasimulang ipagawa na rin sa madaling panahon.
At ang pondong gagastusin ay aabot sa P14 milyon na manggagaling sa Bases Conversation Development Authority (BCDA). Aba teka, mukhang sablay nga itong aircondition project dahil ayon sa aking pagkakaalam ang naturang salapi ay para sa housing project ng mga pulis na walang sariling bahay.
Mukhang naisahan na naman ang kapulisan ng Napolcom dahil mabibinbin na naman ang pangarap nilang magkaroon ng sariling bahay di ba mga suki, he-he-he! Magkano na naman kaya ang mapupunta sa bulsa ni Sablay? Nagtatanong lang.
Sa ngayon ay wala nang makapipigil sa proyekto ni Sablay dahil tuluy-tuloy na ang pagpapagawa. At habang naka-exposed ang mga kawawang kawani sa alikabok at init ay kampante naman umano si Sablay sa malamig niyang opisina kasama ang empleyadang lover, he-he-he!
Talagang buwenas si Sablay dahil bukod sa puno na ang kanyang bulsa ay malambing pa ang kanyang lover na empleyada na naglalambingan sa kanyang silid.
Aba Secretary Puno, Sir, pakiimbestigahan nga po ang reklamo ng mga kawani mo sa Napolcom upang mawala sa kanilang isipan na may basbas ka sa kapalpakan ni Sablay!