^

PSN Opinyon

Pinakamatindi sa katiwalian

K KA LANG? - Korina Sanchez -

SA pinakabagong pagsusuri na isinagawa ng World Bank ukol sa katiwalian sa mga bansa sa Silangang Asya, ang Pilipinas ang pinakamatindi sa katiwalian. Tinalo na ng Pili­pinas, ang Indonesia. Talaga naman!

At sa tsart na ginamit para ipakita ang mga bansa ukol sa lawak ng corruption, may buwayang nasa tabi ng mga tala. Palaging buwaya ang simbolo na ginagamit sa katiwalian. Ang buwaya kasi ay kinakain lahat, kahit bulok at umaalingasaw na hayop. Ang mahalaga lang sa buwaya ay makakain. Pero maraming hindi nakaaalam na ang babaing buwaya, kahit ganun ang itsura, ay maalaga sa kanyang mga anak, habang maliliit pa ang mga ito. Mabangis na ipinagtatanggol ang mga ito sa mga puwedeng manakit sa kanyang mga anak. Iniiwan na lang niya ang mga anak kapag malalaki na ang mga ito. Ganyan ang buwaya. O, may naaalala ba kayo? May naiisip ba kayo? Kung may kilala kayong malakas pa ring kumita sa gobyerno sa mga panahon na ito, malamang may nag-aalagang buwaya riyan. At pagdating ng 2010, puwede nang iwanan at malaki na – ang pera! Bagay pagsuutin ng Barong ang buwaya, congressman na ang dating.  Yung nanay na buwaya, lagyan ng nunal sa nguso.

Halos wala na talaga tayong natatanggap na magan­dang balita. Bukod sa linggu-linggong pagtaas ng presyo ng gasolina, tatamaan pa tayo ng malakas na bagyo na nagdulot ng malaking pinsala. Tapos makikilala pa tayo sa buong mundo na matindi sa katiwalian. Kaya naman wala na masyadong pumapasok na foreign investors sa bansa. Bakit nga naman sila magnenegosyo sa isang bansa na matindi ang korupsyon? Lolobo lang ang gastos nila na wala namang tulong sa negosyo nila kundi nagpapayaman ng mga buwayang naglalakad ng nakatayo at nagsasalita. Hindi kataka-taka na sa panlilimos ng tulong pinansiyal ni GMA kay US President George Bush wala pang P5 milyon ang inabuloy nito. Eh bakit nga ba magbibigay ng mala­ki kung ibubulsa lang di ba?

Isa na ring dahilan ang pangungurakot na ito kung bakit mahal ang bilihin. At sa gitna ng hirap sa buhay at dinelubyo pa ngayon ng  bagyo at trahedya sa dagat.

Napakarami pa ring sumama sa biya­ he ng Presidente para mag­tuloy na siya ba­kasyon at manood kay Pacman sa Las Vegas! Araaay!  Mga walang puso at konsensiya sa paghihi­ rap ng mga ka­babayan natin. Ano na­man kaya ang naiisip ng mga ta­ ong nama­tayan, nawa­ walan ng mga kamag-anak, na­sa­lanta ng bag­ yo? Baka masyado na rin tayong sanay sa pang­wa­ wa­langhiya ng ating mga opisyales. Tanda­an na lang sana natin ang lahat ng ito pag­dating ng 2010.  Iyan na lang ang pag-asa na makaganti ang taum­bayan sa pagna­nakaw sa atin, sa kawalan ng konsien­siya at abuso sa ka­ pangyarihan.

BUWAYA

LAS VEGAS

PLACE

PRESIDENT GEORGE BUSH

SHY

SILANGANG ASYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with