AKALA ko sa politika lang nangyayari ang demolition job gamit ang media. Ginagawa rin pala ito sa mga produktong pang-kagandahan. Sana naman, sa paglalabas ng mga ads, ipahayag yung mga positibong puntos ng mga produkto at walang siraan. Fair play ‘ika nga.
Nahaharap ngayon sa P10-milyong kaso ng libelo ang dalawang top officials ng Lucida-DS, isang kompanyang tagagawa ng skin whitening products. Ang dahilan, nagpalabas ito ng full page ads sa mga diyaryo para siraan ang kakompintensyang White Beauty Philippines, tagagawa ng MET THATIONE.
Imbes na ang White Beauty Philippines ang sumemplang, nag-boomerang ang ginawa ng Lucida. Kamakailan, inatasan ng Watson, isa sa malalaking drugstore chains sa Asia ang mga sangay nito na itigil ang pagbebenta sa mga produkto ng Lucida.
Sa full page ads ng Lucida, sinabi nila na nagsisinungaling ang White Philippines sa claim nito na ang MET THATIONE ay gawa sa Japan. Pinagbasehan ng Lucida ang pahayag ng isa pang kompanya, ang AMS Life Science Co. pero ang kompanyang ito’y binawi na ang maling sinabi kasabay ng paghingi ng paumanhin sa kompanya.
Pinatunayan ng White Beauty na ang kanilang produkto ay gawa ng Sun Capsule Pharma Ltd., isang Japanese firm sa prosesong pinamamahalaan ng gobyerno ng Japan. Natural magre-react ang White Beauty kaya inihabla ang dalawang opisyal ng Lucida na sina Ronald Raguero at Ma. Isabel Galindez na siya umanong nagpala bas ng ads.
Ayon kay Paul Riyadh A. Chuapoco kinatawan ng White Beauty, ito’y maliwanag na paninira ng Lucida-S. Magugu nita na nung isang buwan, sinabi ng sikat na brodkaster ng ABS-CBN na si Korina Sanchez na pito hanggang siyam na brand ng mga whitening products ang kulang sa glutathione content pero hindi kasama ang MET. Pero ayon sa Philippine Institute of Pure and Applied Chemistry (PIPAC) kasama ang Lucida DS sa hanay ng mga produktong kapos sa glutathione.