Masipag si Razon kaya ginaya siya ni Taas
KAKAIBANG regalo ang inihandog ng mga chief of police sa Nueva Ecija sa kanilang hepe na si Sr. Supt. Napoleon Taas sa 46th birthday nito noong Biyernes —73 armas at arestadong 88 wanted persons ang kanilang regalo.
Natuwa si Taas habang tinatanggap niya ang regalo sa headquarters ng Nueva Ecija police sa Cabanatuan City kung saan sinaksihan ito ng mga opisyales ng pulisya, mga LGUs at NGOs.
Kung sabagay, kanino pa ba magmamana ng kasipagan si Taas kundi sa amo niya na si PNP chief Dir. Gen. Avelino Razon Jr. Kung anu-anong pangyayari na sa bansa, tulad ng nakaraang kidnapping sa broadcaster na si Ces Drilon, eh nandoon si Razon at maagap na binibigyan ng solution ang pangyayari. Kaya’t ang kasipagan ni Razon ang ginagaya ng kapulisan at isa na diyan si Taas. Magiging PNP chief din kaya si Taas, na kasama si Chief Supt, Eric Javier, ang deputy for administration ng NCRPO, ang natitirang graduate ng West Point sa PNP? Puwede, di ba mga suki?
Ang mga baril, 30 dito ay high-powered firearms, ay nakumpiska at isinurender sa Nueva Ecija police mula Enero 11 hanggang Hunyo 20. Ang mga wanted persons naman ay nasakote mula Hunyo 13 hanggang 20. Ang kakaibang regalo, ani Taas, ay dahil sa magandang relasyon ng pulisya sa local officials, NGOs at mga Novo Ecijano sa programa ni Razon na “Mamang Pulis” at “Aleng Pulis.”
Ayon pa kay Taas, mahigpit din nilang isusulong ang mga priority programs ni Razon para pagserbisyuhan ang sambayanan at mga mission at objectives ng PNP.
Handang-handa rin umano ang Nueva Ecija police na harapin ang mga is- sues at concerns sa hinaharap. Mukhang magiging pinakamatahimik na probinsiya ang Nueva Ecija sa liderato ni Taas.
Nagsimula ang araw ni Taas noong Biyernes sa pamamagitan ng isang Thanksgiving mass na pinangunahan ni Rev. Fr. Marlo Cruz. Nagkaroon ng breakfast na pandesal at pancit. Subalit pagkatapos kumain, ang mga police officials at personnel ay bumalik sa kanilang trabaho bandang alas-nuwe-be ng umaga.
Ayon kay Taas, kung ang mga kriminal ay hindi namamahinga, dapat ganu’n din ang kapulisan. Tumpak, di ba mga suki?
Kung magkakaroon ng ganitong gimik ang mga hepe ng pulisya sa iba’t ibang probinsiya ng bansa, aba malaking bilang ng wanted persons ang mawawala sa kalye at tuluyan nang magiging matahimik ang bansa natin. Kailangan pa bang iutos ni Razon na tularan ng ibang provincial commander ng PNP ang gimik ni Taas?
Abangan!
- Latest
- Trending