Laman ng balita kamakailan ang lungsod ng Maynila sa malawakang pagtanggal ng mga poster na pinakalat ng pamahalaan sa okasyon ng National Flag Day at Independence Day. Halos lahat ng pader sa Metro Manila ay may litrato ng ating napakagandang pambansang bandila na nakawagayway ngunit may patong na mga katagang “PILIPINAS KONG MAHAL.” — Maliban sa kahabaan ng Maynila.
Ayon sa R.A. 8941, ang “Flag and Heraldic Code of the Philippines”, Sec. 39(f), malinaw na ipinagbabawal ang sumusunod: “to add any word, figure, mark, picture, design, drawing, advertisement, or imprint of any nature on the National Flag.” Bilang mahusay na abogado, naintindihan ni Mayor Alfredo S. Lim na ang imahe ng pambansang watawat, maging ito man ay sa aktwal na tela o sa papel, ay hindi dapat sinasalaula ng kahit na anong bagay o sulat kung kaya agad niyang pinatanggal ang mga illegal na poster at mahigpit na binalaan ang sinuman – maging mga alagad ni Gng. Arroyo —na huwag itong ipaskil sa Maynila.
Ang kabayanihang ipinamalas ni Mayor Lim sa pagtanggol sa bandila, sa mukha ng puwersa ng Malakanyang, ay nagbigay daan upang muling sariwain ang kabayanihang nasa likod nito. Lubhang napapalayo na sa ulirat ng tao ang makulay nitong kasaysayan na hango at nakatali sa ating kasaysayan.
Dagat ng dugo ang puhunan ng ating mga kapatid upang matagumpay itong maitaguyod bilang simbolo ng ating bayan. Sa pamamagitan ng R.A. 8941, siniguro ng ating mga mam babatas ang pag-aalay ng kaukulang respeto sa watawat na kumakatawan sa Pilipinas. Ang ganitong paglagay ng mga katitikan sa bandila, gaano man kaganda ang intensyon, ay pinagbabawal ng batas. Simpleng-simple. Walang pulitika. Hindi natin ito mapahahalagahan ng wasto kung ito’y gagawin sa pa- raang labag sa batas.
Lumabas na katawa-tawa ang mga nanghamon sa intensyon ni Mayor Lim na pairalin ang batas. Ma rahil ay mabuting paalalahanan ang mga ito na walang pakungdangang tumawag sa kanya na “unpatriotic” kung ano ang tunay at payak na kahulugan ng salita. Ang pinakamataas na uri ng “patriotism” at nasyonalismo ay ang pagsu-nod sa batas. Kung meron mang “un-patriotic”, ito ay ang pakikilahok sa debate na walang sapat na pag-unawa sa batas at layon lamang ay manira ng kredibilidad na walang basehan.