^

PSN Opinyon

Gusto n’yong magpaputi?

K KA LANG? - Korina Sanchez -
(Part 3)

DALAWA lamang sa siyam na brand na pam­paputi na aming binili sa mga malaking botika    ang pumasa at ito ay ang Gluta White at MET Tathione. Ang mga bumagsak:  White L-Gluta­thione, Active White Plus L-Glutathione, Gluta White and Firm at Cosmo Skin, Vaniderm, Lucida DS at Kyusoku Bihaku. Ang tatlong pinaka­mababa na laman na glutathione, ayon sa PIPAC findings, ay ang Kyusoku Bihaku na .49 mg lang, ang Vaniderm na may 4.4 mg at Lucida DS na may 5.4 mg lang.  Ano naman ang magagawa nating lahat kung ito ang nakita sa PIPAC?

Desisyon ng ABS-CBN News na i-brodkast ang mga pangalan ng mga brand, pumasa man o hindi.  Linawin ko na isang batch at isang bote ang aking sample.  Pero totoong sa pag-aaral noong Setyembre 2007 hanggang ngayong 2008, bagsak pa rin ang mga produkto ng United Shelter.  Malinaw para sa akin ang ibig sabihin nito — noon at ngayon at maaaring — ibig sabihin ay malaki ang posibilidad — na ganito talaga ang karamihan kundi man lahat ng produkto ng Vaniderm at Lucida DS na binebenta sa mga mamimili. Opinyon ito base sa lumabas sa mga pag-aaral.  At sandali.  Meron pang pag-aaral mula sa US pala.  Isang dalubhasa mula sa US, si Dr. Theodore Hersch ang inimbitahan ng Lucida DS dito sa Pilipinas para magbigay ng mga seminar dahil siya ay eksperto sa glutathione.  Nagdala siya ng sample sa US sa kanyang pag-uwi.  Naisipan ni Hersch na ipasuri ang kanyang baon na sample ng Lucida DS. Ang SGS International, na isa sa pinakamalaking laboratoryo sa buong mundo at isa sa tinitingala na independent analysis ang sumuri.  Ang nakita sa sam­ ple: 2.89 mg lang ng glutathione. Mahigit 4 mg naman sa isang sample. Mula sa magkaibang batch ang dalawang sample ni Dr. Hersch.

Nagsusunod-sunod na ngayon ang pagbigay sa akin ng iba’t ibang tao ng mga ebidensiya laban sa Lucida DS at sa Ultra Shelter.  Nakakapanindig-balahibo ang findings na ito — hindi dahil sa nakakamatay ito o pinsala sa kalusugan ang kakulangan sa glutathione.  Hindi ko lang lubos maisip kung paano ito nakalusot sa loob ng mahabang panahon na, sa aking palagay, ay nagdulot ng sobra-sobrang kayamanan sa mga negosyanteng ito na nakakaloko ng mga mamimili.

Abangan pa ang modus operandi at mga    ilegal na nangyayari sa likod ng industriya ng    food supplements sa bansa ngayon.

vuukle comment

ACTIVE WHITE PLUS L-GLUTATHIONE

COSMO SKIN

KYUSOKU BIHAKU

VANIDERM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with