Lower power rate promise ni Winston
AGAD daw bababa hanggang 20-porsyento ang halaga ng elektrisidad kung magte-takeover ang GSIS sa pamamahala ng MERALCO mula sa kamay ng mga Lopez.
At dahil sa mga nabulgar na anomalya laban sa pamamahala ng mga Lopez sa MERALCO, malamang kumampi ang taumbayan sa gobyerno sa usaping ito. Mantakin mo yung mahigit P800 milyong interes sa meter deposit ng mga tao na inangkin ng Meralco under the Lopezes at ipinamudmod sa mga shareholders bukod pa sa panini-ngil sa taumbayan sa elektrisidad na kinukonsumo ng kompanya.
Kaso lang, baka ang pagsasalin ng management ng MERALCO ay nangangahulugan lamang na ibang mga nilalang naman ang magpapasasa sa katiwalian. Huwag naman
Kinukuwestyon kasi ng GSIS ang proxy votes ng mga Lopez sa nakalipas na shareholders’ meeting na nagpanatili sa kontrol ng huli sa power distribution firm.
Kung kumatig ang batas sa gobyerno at mapawalang bisa ang mga proxy votes, makukuha ng GSIS ang limang upuan sa kompanya at maaagaw ang pamamahala nito.
Ginagarantiyahan ni Garcia na kapag nangyari ito, maibababa ng hanggang 20-porsyento ang halaga ng kuryente sa loob ng dalawang buwan.
Kontrobersyal ang MERALCO sa pamamahala ng mga Lopez dahil sa hindi pagre-refund sa taumbayan sa P21 bilyong bills at meter deposit at gayundin ang P30-bilyong buwis na ipinatong nito sa mga consumers mula 1994 hanggang 2002 sa kabila ng utos ng Korte Suprema.
- Latest
- Trending