Ang shabu sa Subic, bow!

TALAGANG ibang klase ang mga bright people sa government of the Republic of the Philippines.

Ika nga, pakaang-kaang!

Sabi nga, tutulog - tulog sa pansitan.

Ganito ang gustong palabasin ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, the other week natimbog ng mga alipores ni Presidential Anti Smuggling Group Bebot Villar ang pinakamalaking shipment ng shabu na pumasok sa Philippines my Philippines dahil sa magandang impormasyon ng kanyang tsutsu.

Billion of pesos ang halaga ng shabung nasakote sa isang tsekwa na tumakas matapos mabuko ng mga asungot este mali aso pala ni Bebot ang kanilang nakumpiska ay hindi mga high end computer parts kundi kilo-kilong high grade droga.

Paano nakalusot ito sa Customs Police sa Subic na matinding mangamoy ng kargamento basta galing ibang bansa.

May nakapatong ba dito?

Tinitiyak ng mga kuwago ng ORA MISMO, na humina ang intelligence networking ng mga taga-Customs dahil ba sa intelehensiya o ano sa palagay ninyo mga kamote?

Isang kotong este mali Customs pala ang sangkot sa sindikato ng mga mamahaling tsikot dyan sa Subic ang sinibak at ipinatapon sa ibang lupalop kaya naman sa pinagtapunan lugar nito nagsunuran ang kanyang mga galamay.

Hindi birong luxury imported vehicles ang pumasok at naipuslit din sa kanyang teritoryo gaya din noon nasa Subic ito.

Isang kongresista daw ang nauto nito at ginamit na padrino para makabalik sa Port of Subic kaya naman heto ang shabu billion pisong halaga ang nakumpiskang droga.

Ang ikinatatakot lang ng mga kuwago ng ORA MISMO, sana ang kasakiman mo sa pitsa ay huwag mabalik sa pamilya mo kawawa naman kasi sila kung madadamay sa kasuwapangan mo.

Abangan.

Si Tata Ben sa City of Angels!

MATINDI ang pa jueteng operation ni Tata Ben sa City of Angels kaya naman pinapalagan siya ng mga kabalen niya todits.

Walang magawa kasi si Governor Panlilio sa operasyon ng dayaan bolahan sa Pampanga dahil nag-iisnaban sila ni General Errol Pan.

Sabi nga, ‘mamang pulis versus mamang simbahan’. Hehehe!

Sino kaya ang manalo sa kanila?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang banggaan ng dalawang ito.

Sino kaya sa dalawang ito ang malakas sa malakanin este mali Malacañang pala?

Abangan!

Teves vs. Hefti

NAGGIGIRIAN pala sina DOF Secretary Teves at si BIR Commissioner Hefti sa hindi malaman dahilan. Hehehe!

Kahit semplang ang koleksyon ng BIR ay dehins makaporma si Teves kay Hefti.

Ika nga, malakas si Mam!

Kaya siguro lagapak ang revenue collection ng BIR  dahil nagpapataasan ng ihi ang two officials?

Ano kaya ang masasabi ng madlang people dito?

Kahit na sa gabi nag-ooffice si Hefti sa BIR ay walang magawa si Teves.

Siguro mas maganda kaysa ang kita ng gobierno ang mag-suffer mas ok sigurong sibakin na lang sila ni GMA.

Abangan.

Show comments