KAMAKAILAN, nag-organisa kami ng isang medical mission sa Antipolo, kasama ang mabait at mapagbigay na si Ms. Caroline Tanchay, ang Presidente ng Oriental Peninsula Resources Group, Inc. Halos 500 pasyente ang natulungan namin sa loob ng isang araw. May libreng gamot na, may inumin at pagkain pa.
Marami ang nagtatanong kung paano gumawa ng isang medical mission. Ang sabi ko apat na bagay ang kinakailangan:
1.Sponsor -– Ang pinakamahalaga sa lahat ay ang gagastos sa medical mission. Para sa charity namin sa Antipolo, halos P50,000 ang nagastos ni Ms. Caroline Tanchay sa gamot pa lamang. Hindi pa kasali ang allowance ng mga volunteers.
2. Doktor –— Walang gagamot sa mga pasyente ng medical mission kung walang doktor. Sa ngayon ay nagkukulang na ang doktor sa Pilipinas. Napakahirap nang maghanap ng charity doctor. Sa hirap ng buhay, kailangan may allowance din ang mga doktor. Mga 10 doktor ang kailangan sa 500 pasyente.
3. Lista ng gamot – Heto ang mga gamot para sa pangkaraniwang sakit: Amoxycillin sa pulmonya, Paracetamol sa lagnat, Carbocisteine sa ubo, Mefenamic acid sa kirot, Albendazole para sa may bulate, Glibenclamide at Metformin sa diabetes, HCTZ (Hytaz) para sa altapresyon at Sulfur soap sa mga galis. Sa lista namin ng gamot, may drops pang-baby, may syrup pambata at may capsula para sa matanda. Suki kami sa Pacific Pharma Generics, Inc. sa Quezon City na may teleponong 743-1636, 743-1626. Mura ang gamot dito.
4. Mga taong tagabantay – Sa isang medical mission, kailangang may taga-lista, may taga-kontrol ng mga tao, may taga-turo kung saan pupunta at may taga-buhat. Magdala rin ng Karaoke o megaphone para magkarinigan sa dami ng tao.
Pagkatapos ng lahat ng pagod sa isang medical mission ay may biyaya rin. Bakas sa mukha ng mga tao ang kasiyahan na kahit papaano ay natulungan sila.
Salamat sa Oriental Peninsula Resources Group, isang malaking kompan- ya na nakabase rin sa Palawan. Aprubado sila ng DENR, at marami pa silang binabalak na itulong sa mga taga-Palawan. May mga clinic, eskuwelahan at iba pang serbisyo ang binabalak gawin si Ms. Caroline.
Sabi nga ni Ms. Caroline, “Dati ay hindi ko napapansin ang kahirapan ng ating kaba bayan, ngunit ngayon ay han-da na akong magbi gay ng tulong. Masaya pala ang tumulong sa kapwa!”
Para kay Ms. Caroline Tanchay, nandito kami para tumulong sa iyong mabuting adhikain. God bless!
* * *
(E-mail: drwillieong@gmail.com)