^

PSN Opinyon

Chairman Nur, ‘di ka pa ganap na malaya

DURIAN SHAKE -

MAY tinatayang 4,000 hanggang 5,000 miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) na naka-military camouflage uniform ang dumagsa rito sa Davao City simula pa noong Huwebes upang dumalo sa peace summit na pinangunahan ni dating Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Nur Misuari.

Medyo nayanig ang mga mamamayan ng Davao City dahil para bang lumusob ang napakaraming naka-military uniform na MNLF members lulan ng mga trucks at jeepneys na nanggaling pa sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao, maging galing Zamboanga City.

Kahit hindi nga sila armado, nakababahala ring tingnan ang mga nasabing MNLF members na nagparada kahapon sa mga kalsada ng Davao City patungong Rizal Memorial Colleges Gym na kung saan isinagawa ang nasabing peace summit.

Ang layunin ng peace summit na ito ng MNLF ay upang ipagmalaki sana ang kanilang lakas diumano sa Organization of Islamic Countries (OIC)-Committee of Eight (na kinasasapian ng Indonesia, Brunei Darussalam, Saudi Arabia, Libya, Malaysia, Bangladesh, Somalia and Senegal).

Ang mga representatives ng OIC ay dapat sana pupunta rito sa Davao City para sa isang tri-partite meeting kasama na ang pamahalaan at ang MNLF, na dapat ay gaganapin sana bukas hanggang May 29.

Ang tripartite meeting ay isang effort to review the implementation of the provisions of 1996 final peace agreement with the MNLF. Nagrereklamo na nga ang MNLF na hindi tinutupad ng pamahalaan ang mga nakasaad sa nasabing 1996 peace accord.

Kaya ang peace summit naman ni Misuari ay tinaon ng May 24 to 25 upang sa gayon ay masilayan naman ng OIC ang pinagyayabang na lakas ng kanyang faction sa MNLF.

Ngunit ang nasabing tripartite meeting ay indefinitely na-postpone nga. Subalit pinagpatuloy pa rin ni Misuari ang kanyang peace summit dito sa Davao City kahit na sa harap ng maraming kapalpakan at sa mga problemang kinahaharap nito, gaya ng kawalan ng suporta sa mga inaasahan nilang susuporta nito.

Isa sa pinakamalaking problema nila ay kung saan kukunin ang pondo para sa pagkain ng mga dumalong 4,000 to 5,000 MNLF members. At andun din ang problema ng kung saan sila titira rito kasi hindi yata naiayos ng mga organizers ang mga bagay-bagay na ito.

Wala ring proper coordination ang mga organizer ng peace summit sa local authorities dito maging sa pulis at Task Force Davao na inatasang magbantay ng seguridad ng siyudad.

Kahit paano, pumayag na rin ang Davao City government na ipapagamit ang Almendras Gym at ang mga pampublikong paaralan dito para maging sleeping quarters ng mga nagsidatingan na MNLF members.

Nakatatawa nga na maging sa sound system pu­malpak pa rin kasi megaphone lang pinagamit kay Nur kahapon ng umaga na napilitan siyang bumalik ng hapon kasi nga hindi siya maririnig ng kanyang mga followers.

Napag-alaman ko kay Mayor Rodrigo Duterte mismo na sinabihan na niya si George Asi, ang MNLF liaison officer dito sa Davao City, na kung pupuwedeng ipagpaliban muna ang pagdadaos ng nasabing peace summit sa ibang araw kasi kapos sa pera ang city government.

Sabi ni Duterte ang pera ng local government ay nakalaan sa pagbili ng pagkain upang tugon sa problema ng gutom na hinaharap ng mga Pilipino, maging ng mga Dabawenyos.

Sa isang panayam din kay National Security Adviser Norberto Gonzales, sinabi rin niya na wala siyang kinalaman sa nasabing peace summit at ito raw ay idea lang ni Misuari mismo.

Ngunit, itabi muna natin problema ang kawalan ng pondo ng peace summit ni Misuari.

Ito ang tanong, hindi ba at si Misuari ay on temporary liberty lang matapos mag-post ng bail para sa rebellion charges na sinampa sa kanya dahil sa pag-alsa sa Zamboanga City na kanyang pinamunuan maraming taon nang nakalilipas?

Kaya ko nga tinatanong kay Chairman Nur na dahil hindi pa siya ganap na malaya, puwede ba siyang mamuno o dumalo sa mga pagtitipon gaya ng peace summit ng MNLF na naganap dito sa Davao City?

Gusto ko ring malaman kay Chairman Nur kung ang pagpunta niya dito sa Davao City at ang kanyang pagdalo sa nasabing peace summit nila ay may pahintulot ba ng korte? Kasi, hindi ba at siya ay on a temporary liberty lang, eh, di dapat bawat galaw niya ay alam ng Korte.

At higit sa lahat, pupuwede bang isapubliko ni Chairman Nur ang nilalaman ng kanyang sulat sa Makati court na naging basehan ng pagbigay sa kanya ng pansamantalang kalayaan?

Kung malaman ng publiko ang mga pinangako ni Chairman Nur sa kanyang sulat sa korte, na kung ano ang mga hindi niya gagawin habang pansamantala siyang nakalaya, doon din natin malaman kung ang mga ginawa ni Chairman Nur, gaya ng pasimuno, pagdalo at pagsalita sa peace summit, ay paglabag ba ng mga conditions ng kanyang temporary liberty.

Kaya, isang reminder lang po para kay Chairman Nur­ hindi pa po kayo ganap na malaya.

CHAIRMAN NUR

CITY

MNLF

PEACE

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with