^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Inutil ang RA 8749 sa walang patlang na oil price hike

-

KAHAPON ay nagtaas na naman ng P1 ang pres­yo ng petroleum products. At tiyak na ang pag­tataas ay magpapabago rin sa mga presyo ng pa­ngunahing bilihin kabilang ang bigas. Kapag uma­ngat ang presyo ng gas, awtomatik ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin.

Marami beses nang nagtaas ng presyo ng gaso­lina, diesel at liquefied petroleum gas (LPG) at hindi pa raw titigil sa pagtaas. Walang nakaaalam kung hanggang saan ang pagtataas.

Mahiwaga naman ang sunud-sunod na pagtataas na para bang niloloko na ang sambayanan ng tatlong malalaking kompanya ng langis. Sino ba ang naka­aalam kung talaga nga bang makatwiran ang sunud-sunod na pagtataas? Alam ba ng sambayanan kung totoo nga bang nalulugi sila? Ang sambayanan ay walang alam diyan? Katulad din iyan ng isyu sa mataas na singil sa kuryente na kung anu-anong mga charges ang ikinakarga sa consumers.

Sa sunud-sunod na pagtataas ng presyo ng petroleum products ay wala namang makitang pag­sisikap ang Department of Energy kung paano mapipigil ang pagtataas. Walang ginagawang hakbang kaya naman nagugulantang na ang sam­bayanan. Noong nakaraang linggo ay dalawang beses nagtaas. Katataas pa lamang ay biglang nagtaas uli ng P1 kinabukasan.

Sa ganitong kahigpit na sitwasyon na ang ma­mamayan ang masyado nang nahihirapan sa pag­tataas ng petroleum products, maitatanong kung mayroon pa bang silbi ang Republic Act 8749 o ang oil deregulation law. Ginawa itong batas noong 1996 para ma-deregulate ang presyo ng petroleum products pero hindi ganyan ang nangyari. Lalo pang naging marahas ang tatlong dambuhalang kompanya at walang patlang ang pagtataas. Sa pagkakatatag din ng RA 8749 nagsimulang pumasok ang ilang oil companies at nakipagsabayan sa tatlong dambuhala. Pero sa halip ngang bumaba ang presyo ay humataw pa nang todo.

Inutil ang RA 8749 at walang naitulong para ma­pababa ang presyo ng petroleum products. Kung hindi pa gigibain ang batas na ito, marami pang pasakit na ipapataw sa mga balikat nang mga kawawang mamamayan. Buwagin na kung bubu­wagin.

ALAM

BUWAGIN

DEPARTMENT OF ENERGY

KUNG

PRESYO

REPUBLIC ACT

SHY

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with