Dok, may altapresyon po ako at ang maintenance ko ay Telmisartan na nagkakahalaga ng P55 bawat tableta. Hindi ko na po kaya bilhin ang gamot. Umaasa. — John
Sa ating mambabasa, may sekreto akong ipahihiwatig sa inyo. May isang mabisa at murang gamot para sa altapresyon na mabibili na sa Pilipinas. Ang generic nito ay tinatawag na HCTZ. Ang brand name ay HYTAZ, isang produkto ng Therapharma-Unilab.
Ang Hytaz ay hindi bagong gamot. Ito ay may 30 taon ng ginagamit ng mga doktor sa buong mundo. Sa katunayan, noong nag-training ako sa America, ang propesor ko doon ay laging nagbibigay ng HCTZ sa kanyang pasyente.
Natutuwa ako dahil ibinalik na ng Therapharma ang gamot na Hytaz. Mapapababa ng Hytaz ang inyong presyon sa dugo dahil isa itong diuretic. Ang diuretic ay nagpapaihi at nagtatanggal ng asin sa katawan. Ang asin ang nagpapataas ng presyon natin. Kaya sa mga maaalat kumain, lalo na ang mahilig sa patis, toyo at bagoong, bagay na bagay sa inyo ang Hytaz.
Kailan ba dapat uminom ng gamot sa altapresyon? Kung ang blood pressure n’yo ay higit pa sa 140/90, nangangahulugang may altapresyon na. Kailangan n’yo nang magdiyeta at malamang ay uminom ng mainte- nance na gamot.
Ang halaga ng isang tableta ng Hytaz 25 mg ay P5.85 lamang sa Mercury Drugstore. Kadalasan ay kalahating tableta lang ay sapat na sa isang araw. Kung ganoon ay lalabas na P3 lang ang gastos niyo bawat araw. Matipid, hindi ba?
Kahit ang tatay kong may altapresyon ay binibigyan ko ng Hytaz araw-araw. Magtanong sa inyong doktor tungkol sa gamot na Hytaz. Pambihira ang ganitong gamot na mura na, mabisa pa.
* * *
Nagpapasalamat ako sa pamumuno ng Therapharma-Unilab sa paggawa ng Hytaz, ang pinakamurang gamot para sa altapresyon. Sa katunayan ay nag-donate din ang Therapharma ng 40 karton ng Hytaz sa aming Pasay Filipino-Chinese Charity Center sa Libertad, Pasay City.
Maraming salamat sa kanilang General Manager na si Mr. John Dumpit, Marketing Director na si Ms. Wenchie Keyser, at ang kanilang napakabait na represen-tative na si Ms. Ivy Sia. Marami po kayong buhay na napapahaba sa tulong ng Hytaz.
(E-mail: drwillieong@gmail.com)