^

PSN Opinyon

Marinong Pinoy: Tagapangalaga ng karagatan

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

AKO at ang aking panganay na anak na si Senate Pre-sident Pro Tempore Jinggoy Estrada ay kapwa humanga sa kabayanihang ginawa ng isang Pilipinong seaman na nagsumbong sa mga awtoridad dahil ang kanyang sinasakyan at pinagtatrabahuhang barko ay nagtapon umano ng “sludge” o maruming langis at tubig sa kara­gatan.

Tinawag nga ni Jinggoy na “Protector of the Seas” o tagapangalaga ng karagatan ang naturang seaman na nakilalang si Domingo Silva, 49, third engineer ng barkong MSC Trinidad.

Base sa impormasyon, nakita ni Silva na itinapon ng MSC Trinidad sa laot ang tinatayang 30 tonelada nang maruming langis habang bumibiyahe ang barko sa kara­gatan ng Canada sa bahagi ng Atlantic Ocean.

Kinunan ni Silva ng video ang insidente at agad niya itong inireport sa International Transport Federation na nakabase sa Montreal, Canada.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng pamahalaan ng Canada ang insidente, at posibleng pagmultahin ng hang­gang isang milyong dolyar ang may-ari at operator ng MSC Trinidad kapag napatunayang ginawa nga nito ang krimen.

Kami ni Jinggoy ay kapwa naniniwala na ang gina- wang ito ni Silva ay isang malaking kabayanihan, hindi lang para sa pamahalaan ng Canada, kundi para sa ka­pakanan ng kalikasan, laluna’t ang mga karagatan sa buong daigdig ay masyado nang apektado ng polusyon at ng pang-aabuso ng mga tao.

Kamakailan, pinangunahan ni Jinggoy ang hearing tungkol sa resolusyon ng Professional Regulation Commission (PRC) kaugnay sa Management Level Course (MLC) at iba pang “concerns” ng marinong Pinoy, laluna’t base sa datos ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay umabot na sa 230,000 ang bilang ng “deployed Filipino sea-farers” noong 2006.

Si Jinggoy, na chairman ng Senate committee on labor, employ­ment and human resources development, at ng joint congressio­nal oversight committee on labor and employ­­ment, ay nanini­walang ang kabaya­ni-han ni Ginoong Silva ay lalong magpapataas sa repu­tasyon ng mga Pilipi­nong marino hindi lang bilang mga masi­sipag, mababait at ma­-ta­tali­nong empleyado, kundi pati rin bilang mga taga­-pa­ngalaga ng kara­gatan.

ATLANTIC OCEAN

DOMINGO SILVA

GINOONG SILVA

INTERNATIONAL TRANSPORT FEDERATION

JINGGOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with