IBINULGAR ni Louie Hipolito, isang real state broker sa mga kuwago ng ORA MISMO, ang Comprehensive Agrarian Reform Program scam dahil nagkaroon daw ng sabwatan ang HLURB, BIR, DAR, at Registry of Deeds.
Sabi nga, large scale.
Naku ha!
Malaking pitsa ang pinaguusapan todits sabi ni Ka Louie kaya marami rin ang gustong kumita kasama na siya na pinangakuan ng mga pribadong mayayaman tao basta magkaroon lang ng maayos na ‘CONVERTION OF LAND’ (agricultural to private subdivision) sa Mexico, Pampanga.
Ang kuento ni Ka Louie, may batas ang Republic of the Philippines na pinatutupad regarding sa selling ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA).
Ayon sa butas este mali batas pala ang CLOA na ibinigay ng government of the Philippines my Philippines sa isang magkakasa este magsasaka pala ay maaring lamang ibenta sa loob ng sampung taon.
At kung ibenta man ito ayon sa batas dapat sa anak o nearest sky este mali kin pala ng may-aring magsasaka lamang ito puede o sa lambat este Land Bank pala of the Philippines o ibalik sa government Republic of the Philippines.
SAbi ni Ka Louie, ang illegal convertion of land ay nangyari mismo sa tungki ng nose ni Prez Gloria Macapagal Arroyo.
Mas malaki pa ito sa ZTE broadband scam ani Ka Louie.
Sa ZTE scam kumita ang mga kurap sa pamahalaan kung mayroon man ang magbabayad nga lamang ay ang madlang people ng Philippines my Philippines.
Samantala, ang illegal convertion ng lupa ay apektado ang halos lahat ng madlang people mapa-bata o matanda, pilay o pipi, bungi o bulag, unano o matangkad, tomboy o bakla, swangit o pogito echetera dahil halos lahat ay magugutom dahil dito.
Kasi nga, sabi ni Ka Louie ang rice land ay na-convert sa subdivision na ipinagbabawal ng gobierno ng Republika ng Pilipinas.
Sangkaterba ang nagsabunutan este mali nagsabwatan palang ahensiya ng gobierno todits lahat sila ay nabili ng pitsa kaya nagkaroon ng manipulation.
Sabi nga, patay sila ngayon!
Ani Ka Louie, lalabas siya sa lungga oras na magkaroon ng imbestigasyon.
Sabi nga, kahit saan!
Sabi ni Ka Louie, nasa prohibitive period pa ang lupain kaya matindi ang kamotehan todits pero hindi niya sinisisi ang mga magsasaka dahil nakahawak sila ng malaking halaga ng pitsa matapos silang i-buy out ng mga lagapot.
Ani Ka Louie tiyak niya na this crime was accomplished in grand conspiracy with private corporations, local DAR officials, HLURB, BIR, and REGISTER OF DEED.
Nalulungkot si Ka Louie dahil dahil dalawang taon bago iniutos ng DAR Secretary Nasser Pangadaman na magkaroon ng imbestigasyon dahil 15 complaint letter na pala ang ipinadala niya dito.
Sabi nga, nagpakaang-kaang!
Sabi ni Ka Louie, napuersa si Nasser na gumawa ng Ad - Hoc committee para sa TERMINAL REPORT.
Tanong - ano ang nangyari sa terminal report?
Sagot - inupuan!
Sabi nga, hinokus pokus.
Ika nga, na magic!
Hindi biro ang terminal report matapos ang isinagawang imbestigasyon sa pinaguusapan natin convertion of land tumutugma ang ibinulgar ni Ka Louie.
Sabi nga, totoong lahat!
Ang problema sabi ni Ka Louie since April 2007 (date of terminal report), pino-proteksiyunan daw ni Nasser ang mga unscrupulous private corporations na very close at also protected by very high officials in malakanin este mali Malacanang pala.
Sa kuento ni Ka Louie sa mga kuwago ng ORA MISMO, siya mismo ang gumawa ng paraan para mailipat ang agricultural “rice” land (CLOA)na inaward ng gobierno sa magsasaka dyan sa Mexico, Pampanga para makakuha ang Transfer Certificate of Title upang matituluhan ito ng pribadong kompanya at gawin subdivision.
Sabi ni Ka Louie, pera lang ang dahilan lahat ng ito kahit na may mga illegal na pamamaraan na ginawa ang ilang ahensiya ng pamahalaan.
Ayon kay Ka Louie, pinangakuan siya ng pera para dito at natuwa naman siya dahil hindi birong pitsa ang pinaguusapan.
Sa madaling salita nagkaroon ng kagaguhan matapos niyang ma-iconvert ang lupang pinaguusapan.
Ika nga, nagkaroon ng double cross sa usapan.
‘Kaya ba lumabas si Ka Louie dahil ginago siya?’ tanong ng kuwagong mambubukol.
“Hindi mo binabasa ang nakatitik sa kuento natin, kamote’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
“Paano ngayon sabit din si Ka Louie kung magkaroon ng imbestigasyon?’
‘Kamote, mas gusto niyang lumabas ngayon.’
‘Sa susunod ilalabas natin sina Noli na kaibigan ni Nestor echetera sa gobierno ang mga nagmaniobra ng ikinukuento ni Ka Louie.’
“Abangan.”