Ang problema ni Jamby

MAY malaking problema ngayon si Senadora Jamby  Madrigal. Bukod sa pagkabigo niyang makakuha ng    mana mula sa kanyang tiya, may mas higanteng proble-ma siyang kinakaharap.

Hindi raw naideklara ni Senadora ang tamang halaga ng mga donasyong tinanggap niya nung eleksyon at   kung magkano ang ginastos niya sa kampanya. Sa deklarasyon niya sa COMELEC, sinabi ni Madrigal na ang kabuuang nalikom niya sa kampanya ay P103 milyon lang. Aniya, ang biggest contributor sa kanyang campaign kitty ay ang tatay niyang si Antonio Madrigal na  nagbigay ng P80 milyon.

Ngunit ngayon ay nagtatanong ang marami. Bakit tila tahimik si Jamby sa napabalitang kontribusyon ng kan-yang yumaong bilyonaryang tiya na si Consuelo “Chito” Madrigal Collantes na diumano’y umaabot sa P100 milyon? Hindi pa kasama riyan ang paggamit ni Senadora sa helicopter ng kanyang tiya sa kampanya na ayon sa batas ay dapat ding ideklara sa COMELEC. Iyan kasi ang sinasabing dahilan kung bakit itsapuwera si Jamby sa mga pinamanahan. Malaki na ang nagastos sa kanya ng kanyang tiya.

Bukod diyan, kinukuwesyon din ang umano’y biglang pagtaas sa income ng Senadora mula sa pagiging board member niya ng isang kompanya ng kanilang angkan at nang siya’y mahalal na Senador.  Nasilip  ito sa isinumiti niyang ITR sa BIR noong 2001 at nang siya ay maupo na bilang Senador. Kaya nagtatanong ang mga taga-BIR, napakababa ba ng sahod niya sa pribadong sector at ganyan na ba kalaki ang kinikita niya bilang Senador? Hinahabol na raw ng Presidential Management Staff and liquidation ng halagang P10 milyon na ginamit ni Jamby nang siya’y Presidential  Assistant for Children’s Affair ni dating Presidente Estra­da. Anang mga taga PMS, medyo matagal-tagal na nilang hinihintay ang liquidation na hangga ngayo’y wala. Nakow, parami nang parami ang problema ni Jamby! Idagdag pa riyan ang sinasabing “secret bank account” na medyo nakalu­lula ang laman. Pero ito raw ay nakapangalan sa isa niyag  trusted na emple­yada. Hintayin natin ang sagot ni Madam Senator sa mga akusasyong ito.

           

Show comments